top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Tinuluyan sa plunder at graft – Ombudsman... Kulong kay Jinggoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 29, 2026



Jinggoy Estrada -Senate PH.

Photo: Jinggoy Estrada -Senate PH



Pormal na naghain ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder at graft laban kay Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan nitong Huwebes.


Kasunod ng pagsasampa ang inaasahang paglalabas ng warrant of arrest laban kay Estrada anumang oras.


Ang kasong plunder ay walang piyansa at may kaparusahang habambuhay na pagkakakulong.


Sa ilalim ng batas, maaari lamang payagan ang piyansa kung mapapatunayan ng korte na hindi matibay ang ebidensya ng pagkakasala.


Isinampa ng anti-graft body ang kaso ilang linggo matapos nitong matanggap ang rekomendasyon mula sa Department of Justice (DOJ).


Bukod kay Estrada, kasama rin sa kakasuhan si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at iba pang DPWH engineering officials na sina Asst. Engineer Denryl Caesar Cortuna, Engineer Manny Bulusan, at Engineer Arturo Gonzales, Jr.


Isa si Estrada sa umano'y nagmanipula para paglaanan ang P355 milyon sa pamamagitan ng budget insertions sa unang distrito ng Bulacan kapalit umano ng 30 porsyentong komisyon, ayon sa naging pagbubunyag ni dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez sa pagdinig ng House infrastructure committee noong Setyembre ng nakaraang taon.


Una nang itinanggi ni Estrada ang alegasyon. Iginiit din ng senador na ayon sa Legislative Budget Research and Monitoring Office ng Senado, wala umano siyang anumang budget insertions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page