top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Tinuluyan sa cyberlibel... Chavit: 'Di ako mapapatahimik

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 13, 2026



Chavit Singson arestado - Circulated

Photo: Circulated



Mariing iginiit ni dating Ilocos Sur Governor Luis 'Chavit' Singson na hindi siya matitinag ng kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya, kasunod ng kanyang pagkakaaresto nitong Huwebes.


Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Singson na mali umano ang paniniwala ng administrasyon kung iniisip nitong mapapatahimik siya sa pamamagitan ng pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa kanya.


Ayon kay Singson, itinuturing niya ang kanyang pagkakaaresto bilang isang "badge of honor" o karangalang kanyang ipinagmamalaki.


Nilinaw din niya na kusang-loob siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magpiyansa at igalang ang proseso ng batas.


Pinasinungalingan din niya ang mga ulat na siya'y inaresto sa kanyang tahanan.

Binanggit din ng dating gobernador ang umano'y mga hindi pangkaraniwang pangyayari kaugnay ng kaso, kabilang ang pagtatalaga ng isang hukom na hindi mula sa kanyang lalawigan at ang mabilis na pag-usad ng mga legal na proseso.


Ikinonekta rin ni Singson ang kasong kanyang kinakaharap sa kanyang mga panawagan para sa masusing imbestigasyon sa umano'y kontrobersiya sa flood control projects at paggamit ng pondong inilaan para sa proteksiyon ng mga komunidad laban sa pagbaha.


"Kung sapat na ang pagtatanong kung saan napunta ang pera ng taumbayan upang sampahan ng kasong cyberlibel, lalo lamang nitong pinatutunayan na may natatamaan ang mga tanong na ito," ani Singson.


Dagdag pa niya, sa halip na ipaliwanag kung paano ginamit ang bilyun-bilyong pisong pondo ng gobyerno, mas inuuna umano ng ilan ang paghabol sa mga kritiko upang mailihis ang atensyon ng publiko.


"The more they try to silence me, the more determined I become," pagtatapos ni Singson.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page