Tinulungan sa kabila ng ginawa sa aktor… KATHERINE, HIYANG-HIYA PA RIN KINA COCO AT JULIA
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Sarah Muñoz (OJT) @Special Article | August 18, 2026

Photo: FB Katherine Luna & Coco Martin PH
Nagpaliwanag si Katrina Halili tungkol sa mga obserbasyon ng mga netizens sa pakikitungo niya sa ama ng kanyang anak at manliligaw na si Kris Lawrence.
Sa Facebook (FB) post ng aktres, nilinaw niyang hindi talaga siya natural na sweet at showy kaya marahil nami-misinterpret ng ibang fans ng rapper-singer.
“May mga nababasa akong messages at e-mails tungkol sa amin ni Mr. B (tawag n’ya kay Kris), kaya gusto ko lang sabihin ‘to.
“Alam kong may mga pagkakataon na ‘di naiintindihan ng iba ang humor ko o ang paraan ng pakikitungo ko kay Mr. B. ‘Di talaga ako naturally sweet o showy na tao. Mahiyain din ako pagdating sa mga ganitong bagay, kaya minsan sa pang-aasar, pagpapatawa o pagme-make face ko, lumalabas ‘yung pagiging awkward ko,” paliwanag niya.
“Pero sana, ‘wag nating husgahan ang isang relasyon base lang sa ilang minutong nakikita natin sa videos o live. What you see on camera is only a small part of our lives,” patuloy niya.
“May mga bagay na masaya naming isine-share sa inyo, at mayroon ding mga bagay na gusto muna naming sarilinin at hayaan na lang ninyong makita ‘pag dumating na ang tamang panahon. ‘Di naman lahat ng plano, kailangang i-announce,” paliwanag pa ng aktres.
Naiintindihan naman daw niya na protective lang ang mga fans kay Kris pero in-assure naman niya ang mga ito na she respects and care for him.
“I appreciate na protective kayo kay Mr. B at alam kong karamihan ay nanggagaling lang sa pagmamahal ninyo sa kanya. Pero please know that I respect and care for him. Iba-iba lang talaga tayo ng paraan ng pagpapakita nu’n,” anang aktres.
Sey pa niya sa mga fans, huwag naman daw masyadong magalit sa kanya at huwag ding magmadali.
“Kaya enjoy lang tayo sa journey, ‘wag masyadong magalit sa akin at magmadali. Malay n’yo, marami pa kayong ‘di alam. Love lang tayo, mga MyLabs!” ang mensahe ni Katrina sa mga supporters.
Sa comment section ay sinuportahan naman siya ni Kris at sinabing huwag na lang pansinin ang mga negative comments.
“Ms. B, Hayaan mo sila. Ang importante, tayo, alam natin kung ano ‘yung totoo (wink emoji). And I’m enjoying every chapter with you,” message ni Kris kay Katrina.
Walang humpay na kilig at good vibes ang handog nina Coco Martin at Julia Montes sa pagtatagpo ng kanilang mga karakter sa mga susunod na episodes ng patok na Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.
Ipinasilip ng ABS-CBN at CCM Film Productions sa behind-the-scenes na mga larawan at teaser video ang nakakakilig na muling pagkukrus ng landas ng CocoJul, kung saan nilalambing ni Gabo (Coco) si Sam (Julia) habang inaalagaan niya ang sugatang dalaga.
Kaabang-abang ang muling pagkikita nina Gabo at Sam dahil pagkatapos ng ilang matitinding engkuwentro nilang dalawa, tuluyan na nilang papasukin ang mundo ng isa’t isa matapos mapadpad si Sam sa komunidad ni Gabo kasunod ng makapigil-hiningang bakbakan laban sa grupo ng sindikato.
Samantala, itotodo na rin ni Gabo ang pakikipagsapalaran sa mga maaksiyong laban sa mga susunod niyang misyon upang patumbahin ang mga kriminal.
Napapanood ang Coco Martin’s Sigabo, gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant.
Available rin ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.





Comments