top of page
Search
  • BULGAR

Tiniyak ni Ex-P-Duterte, mapapatalsik sa poder si P-BBM ‘pag tumakbo uli sa pagka-presedente

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 28, 2024


MGA MAHIHIRAP NA WORKER NA WALANG EMPLOYER ANG KAWAWA SA PASIKLABAN NG SENADO AT KAMARA SA TAAS-SAHOD -- Tinirya ng Kamara ang ipinasang P100 dagdag-sahod ng Senado sa mga manggagawa, kasi ayon sa mga kongresista ay maliit daw ito kaya binabalangkas daw nila na gawing P150 hanggang P350 ang idagdag sa suweldo ng mga worker sa bansa.


Sa totoo lang, ang pasiklaban na ‘yan ng Senado at Kamara tungkol sa dagdag-suweldo, ang kawawa d’yan ay ang mga mahihirap na Pinoy na walang employer, na ibig sabihin hindi masasakop ng wage increase, tulad ng mga basurero, magsasaka, mangingisda, vendor, pedicab, tricycle, jeepney drivers, karpintero, tubero at iba pa.


Bakit sila ang kawawa? Kasi nga, tiyak magtataas ng presyo ng mga bilihin at bayarin ang mga manufacturers, electric companies, water companies at telecommunication companies, at tulad nga ng nasabi natin, ang tatamaan d’yan ay ang mga worker na walang employers, period!

XXX


EDSA PEOPLE POWER BINATIKOS NI SEN. ROBIN PADILLA, DAHIL DAW SA REBOLUSYONG ITO KAYA DUMAMI ANG POLITICAL DYNASTY -- Binatikos ni Sen. Robin Padilla ang anibersaryo ng EDSA People Power kasi mga political dynasty lang daw ang nakinabang sa rebolusyong ito.


May punto talaga si Sen. Robin sa sinabi niyang ‘yan, kasi nang matapos ang EDSA Revolution at mawala sa poder si ex-Pres. Ferdinand E. Marcos, Sr. ay parang kabuteng nagsulputan na ang mga political dynasty ng mga trapo (traditional politicians), boom!


XXX


TINIYAK NI EX-P-DUTERTE, MAPAPATALSIK SA PODER SI P-BBM KAPAG TUMAKBO ULI SA PAGKA-PRESIDENTE SA 2028 ELECTION -- Binalaan ni ex-P- Duterte si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na kung itutuloy nito ang Charter change (Cha-cha), dapat daw ay mga economic provisions lang sa 1987 Constitution ang baguhin at huwag pakialaman ang mga nakasaad sa political provisions para sa “no term limit” sa mga pulitiko. Kasi ayon sa ex-president, kapag naisingit daw sa Cha-cha ang “no term limit” sa mga pulitiko at tumakbo uli sa pagka-presidente si P-BBM sa 2028 presidential election, ay matutulad daw ito

sa kanyang amang former Pres. Ferdinand Marcos Sr. na pinatalsik ng mamamayan sa poder, period!

XXX


PHILIPPINE GOV’T OFFICIALS MALAMANG PINAGTATAWANAN NG MUNDO KASI ‘PINAS AGRICULTURAL COUNTRY TAPOS NO. 1 SA RICE IMPORTATION WORLDWIDE -- Sa latest data na inilabas ng United States Department of Agriculture (USDA) ay nananatiling number 1 rice importer sa buong mundo ang Pilipinas na may higit 118 milyong population lang, at nilampasan na nito sa rice importation ang China na may 1.4 bilyong population.


Dahil sa datos na ito ay malamang pinagtatawanan ng mundo ang mga gov’t. official ng Philippines kasi mantakin n’yo, naturingang agricultural country ang ‘Pinas, tapos numero 1 sa mundo sa rice importation, tsk!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page