top of page
Search
  • BULGAR

Tindi ng init, walang nagka-cloud seeding, bakit kaya?

ni Ka Ambo @Bistado | April 30, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Sobra ang tindi ng init.

Nasaan ang preparasyon laban sa El Niño?


Waley.


----$$$--


HINDI ba kayo nagtataka, bakit walang pagtatangka na mag-cloud seeding?Hindi nagbibigay ng paliwanag ang mga eksperto kung possible ba ang artificial rain?


Hindi ba’t iyan ay isang teknikal na solusyon?


-----$$$--


NASAAN ang inobasyon laban sa El Niño?Teka, naghahanda na ba ang Pilipinas sa epekto ng kasunod na La Niña?


Mayroon na bang mga bagong rescue chopper na puwedeng gamitin?


----$$$--


SAKALING may sumabog na dam sa panahon ng La Niña at malakas na lindol — ano ang contingency measures?


Posibleng matapos ang El Niño at magkakambal na maranasan ang La Niña at The Big One na matagal nang ibinabala.


----$$$--


PANAY babala, pero puro propaganda lang at dakdak ang inilalabas sa media.


Puwede ba ‘yun? 


----$$$--


NALILIBANG ang mga tao sa isyu ng giyera.


Panay ang pundar ng gamit panggiyera, pero gamit sa kalamidad at gutom, mayroon ba?


----$$$--


BAKIT walang nagsusulong na lagyan ng wind, solar at tidal wave energy production ang lahat ng coastal area sa Pilipinas.


Imbes na armas sa giyera, hindi ba puwedeng makipag-partner ang Pilipinas sa massive wind mills installation sa lahat ng coastal area?


----$$$--


KAKAMBALAN ang wind mills ng panibagong turbine na ang enerhiya ay mula sa malalakas na alon ng karagatan sa archipelago ng Pilipinas.

Kasabay niyan, maglagay din ng solar panel sa lahat ng dalampasigan.


------$$$--


ISA pang nagkapagtataka, bakit hindi binabanggit ang “drone machine” sa mga armas-panggiyera na inaangkat sa ibang bansa.


Hindi ba puwedeng umembento ang mga Pinoy na “robotkite” na maaaring magkarga ng pulbura na isasaboy sa mga barko ng dayuhang pumapasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas?

 

-----$$$--


Simpleng magpapaulan lang ng pulbura ang mga robotic kites sa mga barko ng kalaban — at hindi na kailangan ang fuse o detonator.


Kapag nagpaputok ang mga nasa barko, tiyak na sila mismo ay sasabog!


Ha! Ha! Ha!


 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page