Tindero ng pandesal, binaril sa ulo ng rider, utas
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 18, 2026

Photo: Michael M. Maubin / FB / Circulated
Isang lalaking nagtitinda ng rolling malunggay-pandesal sa kalsada ang binaril sa Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao del Sur, nitong Lunes ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente pasado alas-7 ng umaga.
Isang armadong lalaki na sakay sa motorsiklo ang lumapit sa biktima at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.
Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil wala itong identification card. Patuloy naman ang pagtugis sa suspek.





Comments