Tinawag na mandaraya… ALEX EALA, MAY MGA BASHERS NA FOREIGNER
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 4, 2026

Photo: IG _alex.eala
Hinahaluan na ng pulitika ang kasikatan ni Alex Eala bilang tennis player. May mga nag-comment na maka-DDS (Duterte diehard supporter) daw si Alex dahil ilang araw nang kulay green ang suot tuwing may laban. Kinakantiyawan ng mga DDS ang Kakampink at mga supporters ni President Bongbong Marcos (PBBM) dahil dito.
Pero ang nabasa namin, ang mga organizers ng tennis ang pumipili kung anong kulay ang isusuot ng mga players na maglalaban on a particular day. Sumusunod lang si Alex, ginawa na itong isyu.
Kaya may pakiusap si Arnold Clavio, “‘Wag nang ikalat ang litrato ni Alex na ang pagsusuot n’ya ng kulay green ay para kay VP (Vice-President) Sara Duterte. ‘Wag ninyo nang idamay ang bata sa pulitika. Sa ngayon, tanging s’ya lang ang nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.”
And speaking of Alex, may mga bashers ito, hindi mga Pinoy kundi foreigners na galit na galit sa kanya.
Nag-tweet pa ang isa sa X kung gaano niya ka-hate si Alex at pinaratangan pa itong nandaraya. Wala pa raw itong title kaya huwag magmayabang ang mga fans nito.
Mabuti na lang at masipag sumagot ang mga fans ni Alex na napapansin namin, hindi puro Pinoy. Ipinagtatanggol nila ito sa mga bashers at ang payo nila sa mga bumabanat sa tennis player, kung ayaw kay Alex, huwag manood ng laban nito sa tennis at huwag ding mag-scroll online kung saan maraming news tungkol sa kanya.
Kung hindi raw naniniwala ang mga bashers sa Eala Mania, manahimik na lang sila. Inokray pa nga ang mga bashers na siguro raw ay natalo sa pustahan kaya galit kay Alex.
NAKATULONG talaga kay Heart Evangelista ang pagho-host ng The People Have Spoken (TPHS) dahil kumbaga, she lets her guard down. May mga pahayag siya na ngayon lang naririnig na kanyang sinasabi, na bagama’t ikinagulat, ikinatuwa naman ng kanyang mga supporters.
Pinag-usapan ang pahayag niya dati sa isyu kung ano ang pipiliin niya – ang walang kaibigan pero may pera o ang may kaibigan pero walang pera.
Nagpakatotoo lang si Heart na mas pinili ang may pera kahit walang kaibigan dahil iyon naman talaga ang pipiliin nating lahat, for sure.
Saka sabi nito, may mga kaibigan naman siya na kanyang malalapitan, hindi lang sila nagkikita nang madalas.
Ang latest na pahayag ni Heart na kinaaliwan na naman ay nang sagutin nito ang tanong na, “Mas pipiliin mo ba ang asawang maraming bisyo pero masipag, o asawang walang bisyo pero tamad?”
Sagot ni Heart, “Bisyo ko shopping, pero kung magtrabaho ako, nahihimatay, naoospital — everything, para mabili ko ‘yung gusto ko. So, wala naman akong sinasaktan nang dahil du’n.”
Mapapansing hindi direktang sinagot ni Heart ang tanong at ang sarili ang ginawang halimbawa, at walang nagreklamo. Totoo naman kasing she works hard para mabili ang mga gusto at hindi dumedepende sa pera ng mister na si Sen. Chiz Escudero.
Wala ring nagrereklamo kung panay ang post niya ng branded stuff sa kanyang Instagram (IG) dahil sariling pera niya ang kanyang ginagasta.
Natutuwa pa nga ang mga fans nito dahil naa-update sila sa latest on fashion. Kaya ang payo nila kay Heart, keep on buying and posting. Wala naman daw itong inaagrabyadong tao.





Comments