top of page

Tinalo ang mga pulitiko… SACHZNA, MAY PA-AYUDANG FULL TANK GAS SA MGA DRAYBER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 18, 2026



Sachzna Laparan

Photo: IG @Sachzna Laparan



Kinabog ni Sachzna Laparan ang mga bigating politicians at celebrities sa ginawa niyang pa-ayuda sa mga kababayan natin.


Libreng gasolina lang naman ang pa-ayuda ni Sachzna. But wait, there’s more, hindi basta libreng gasolina lang dahil ipina-full tank pa nito ang mga pampasaherong sasakyan na magpapa-gas sa tinambayan niyang gasolinahan.


Sa latest vlog ni Sachzna sa kanyang YouTube (YT) channel, sinabi niya ang dahilan kung bakit meron siyang pa-ayuda na gasolina.


“Bigla ko lang naisip na sobrang daming problema ng Pilipinas at gusto kong gumawa ng mabuti ngayong araw. Kaka-graduate lang natin kaya gusto ko ring mag-give back,” pahayag ni Sachzna.


At ang napili niyang tulungan ay ang kababayan nating naghahanapbuhay nang marangal. Alam daw niya na ang price increase ay isa sa mga problema nila.


“At kahit papaano ngayong araw ay mapagaan natin ang buhay nila. Ang gagawin natin ngayon ay ipapa-full tank natin ang kanilang mga sasakyan,” lahad pa ni Sachzna.

Pasok sa mga ipapa-full tank ni Sachzna ang jeep, tricycle at taxi na pinapasada ng mga driver. Kasali rin ang mga sasakyan ng mga drivers for delivery service.


Shocked at hindi makapaniwala ang mga driver sa libreng pa-full tank ni Sachzna. Kaya ang iba ay nagduda kung talagang libre ang ayudang gasolina ng sikat na vlogger.


Dahil dito, umani ng papuri si Sachzna mula sa mga netizens:

“Deserve na deserve ni Sachzna lahat ng blessings n’ya sa buhay. Ingat lagi, Ms. Flawless and congratulations, mahal ka namin!”


“Paano mo naman ‘di mamahalin ang babaeng ‘to. Kaya mahal na mahal ko s’ya. May God bless you more para mas marami ka pang taong matulungan.”


“Thank you Sachzna, napakabuti ng kalooban mo. Timing sa mga drivers natin na naghahanapbuhay. God bless you more.”


“Grabe ka, may boundary na, may full tank gas pa, pati pasahero ay libre. Lalo ‘yung may naka-confine sa ospital, binigyan mo rin ng blessings. God bless you more.”

Sana all.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page