Tinalo ang BINI, Ben & Ben, Ely Buendia… SB19, BIG WINNER SA FILIPINO MUSIC AWARDS, NAG-UWI NG 6 NA PANALO
- BULGAR
- 7 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | October 23, 2025

Photo: FB Kathryn Bernardo Official & Mayor Mark
Biggest winner ang SB19 sa katatapos lang na Filipino Music Awards kung saan humakot ang grupo ng 6 major awards out of 9 nominations.
Wala ngang dudang ang SB19 ang pinakasikat ngayong grupo sa bansa. Kinikilala silang ‘Kings of P-pop’, kung saan naiuwi nila ang mga karangalang Pop Song of the Year for Dungka!, People’s Choice Artist, People’s Choice Song (also for Dungka!), Tour of the Year and Concert of the Year for Simula at Wakas, at ang most coveted award na Artist of the Year title.
Ang iba pang mga artists na nominado at nakalaban ng SB19 sa naturang kategorya ay ang BINI, Cup of Joe, BGYO, Ben&Ben, Ely Buendia, Gloc 9, Maki, TJ Monterde, IV of Spades at iba pang icons sa music industry.
Punumpuno ang MOA Arena kung saan ginanap ang event last Oct. 21 at nagsilbi rin itong venue para muling iparinig ang boses ng mga mang-aawit laban sa mga korupsiyon sa bansa.
Mabuhay, mga ka-A’TIN at ka-Mahalima, and the rest of the winners ng kauna-unahang Filipino Music Awards.
Nagsilbing hosts ng seremonya sina Joey Mead King, Michael Sager at Elijah Canlas.
Binigyan din ng Lifetime Achievement Award si Jose Mari Chan, habang ginawaran ng Tribute Award si Pilita Corrales na tinanggap ng apo nitong si Janine Gutierrez at kapatid, with Jericho Rosales as escort.
NAKATANGGAP naman kami ng mga mensahe sa mga nagpakilalang ‘fans’ daw ni Chloe San Jose, ang GF ni Carlos Yulo.
Hindi namin inaasahan na mayroon pang mga naniniwala kay Chloe o may mga tagapagtanggol siya. Hahaha!
Well, sinabi lang naman ng mga ito na ayaw na nga raw patulan ng idolo nila ang patutsada sa socmed (social media) ng kapatid ni Caloy na nagregalo kamakailan ng brand new car sa nanay nito.
“Hindi lang naman din kasi nalalaman ng mga tao na nagbibigay-tulong din si Caloy sa pamilya n’ya. Hindi na nga nangialam sina Chloe sa napagbentahan ng bahay sa Cavite. Masaya sila at dapat masaya na lang din po kayo,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala sa amin.
O, ‘yan, ha? Balanse at parehas kami sa mga nagsasabing hindi na nga raw nangingialam pa si Chloe San Jose sa mga ganap ni Carlos Yulo sa pamilya niya.
Basta raw masaya na silang magdyowa sa kung anumang mayroon sila at nae-enjoy nila ang mga luho sa buhay.
“WALA kang dapat na ipaliwanag kaninuman,” pagtatanggol ng aktor na si Chuckie Dreyfus sa itinuturing niyang anak-anakan sa showbiz na si Jillian Ward.
Kaugnay nga ito ng mga intrigang nagsasangkot sa batang aktres sa kilalang businessman-politician na si Manong Chavit Singson at sa pinag-uusapang high-end car na binili nito.
Noon pa man ay nabalita na ang pagkakaroon ni Jillian ng hilig sa mga mamahaling sports car kaya’t nang makaipon nang sapat ay bumili ito out of her earnings dahil sa mga sunud-sunod nitong TV and movie projects.
Ang siste nga lang, biglang may mga tsismis na diumano’y siya ang latest ‘chick’ ni Manong Chavit hanggang sa manganak na ang isyu ng kung anu-ano.
Sa naging guesting ni Jillian sa show ni Kuya Boy Abunda, tahasan nitong idinenay ang tsismis at nagsabi pang mayroon siyang resibo ng biniling sports car.
Dahil dito, nagbigay ng suporta ang mga matagal nang nakatrabaho ni Jillian Ward sa soap, at isa nga rito ang dati ring child star na si Chuckie Dreyfus.
Comments