Tinagusan… KIM, NA-BULLY, 2 LINGGONG 'DI PUMASOK SA SCHOOL
- BULGAR
- Jun 2, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | June 2, 2023

Sa ilang pagkakataon naming dumalo sa Sisters Sanitary Napkin mediacon, nakakatuwang mabalitaan ang mga updates sa advocacy ng kumpanya.
More than a hundred schools na pala ang naiikot ng team nila nationwide para sa kampanya nilang "Walang Tagos," para sa mga batang babae na pumapasok sa stage ng pagdadalaga.
Very supportive and active ang kumpanya ni Ms. Aileen Go rito at isa nga ito sa mga rason kung bakit madali nilang napapayag si Kim Chiu na maging newest ambassador ng Sisters Sanitary Napkin.
"Ate ko si Ma'am Aileen at kahit noong hindi pa nila ako kinukuha, lagi silang sumusuporta sa mga projects ko, mga pagtulong sa advocacy," sey ni Kim.

Kaya naman ngayong legit na brand ambassador na siya, wala raw dahilan para hindi niya gawin ang maglibot sa mga paaralan upang ipagpatuloy ang pangunguna sa adbokasiya ng pagsuporta at pagtuturo sa mga young girls na papunta na nga sa stage ng womanhood.
"Mahirap maging babae. Sa dami ng mga nagaganap sa loob ng katawan nito, importante 'yung may gumagabay at tumutulong na ipaunawa ang mga ganitong bagay at saludo ako sa Sisters dahil ginagawa nila ito," dagdag pa ni Kim sabay pag-aming naranasan niyang ma-bully dahil sa isyu ng pagkakaroon ng "tagos."
Dalawang linggo nga raw siyang hindi pumasok noon sa school during the time na una niyang na-experience na magkaroon ng mens.
Tsika pa ni Kim na gaya ng ibang babae, nagiging mainitin din ang ulo niya kapag may buwanang-dalaw siya.
“Masungit, moody, ganu’n. Pero chocolate at softdrinks lang ang katapat nu’n,” sagot nito kapag may ganu’ng senaryo na.





Comments