top of page

Timplados, binutas ang LPG, Kings, inolats ang SMB

  • BULGAR
  • Jun 25, 2022
  • 2 min read

ni GA - @Sports | June 25, 2022



Hindi pinaporma ng Magnolia Timplados Hotshots ang katunggaling Phoenix Super LPG kahit na kulang-kulang ang kanilang manlalaro na ibinaon sa iskor na 95-77, kahapon sa unang laro ng 2022 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sumandal ang Magnolia Hotshots sa mga nalalabing manlalaro matapos nananatiling wala sa koponan sina Paul Lee (injured), Jerick Ahanmisi (injured) at Calvin Abueva (suspended) para buhatin ng beteranong si Mark Barroca na kumana ng 21pts, 6 assists, 5 rebounds at 5 steals sa 8-of-18 shooting.

Basta yung lima dun solid, kahit na wala yung ibang key players namin, nag-step yung iba. Nag-focus lang kami sa depensa, kase ito yung battle-cry namin sa All-Filipino, kaya so far maganda yung nagawa ng bench players namin,” pahayag ni Barroca sa post-game press-conference.

Apat na manlalaro pa ang nag-ambag ng double-figures mula kina Aris Dionisio sa 19pts, Jio Jalalon sa 15pts, Ian Sanggalang sa 14pts at 10rebs at Jackson Corpuz sa isa pang 14pts.

We just try to focus on our defense, focus on press break and defensive scheme, kahit na nasaktan yung guard rotation namin, we just made an adjustment. Next man up ang mentality, kase we don’t want excuses, na yung may injury, it makes us weak eh, yung nagcomplain, we don’t want that. We fight kung sino available lang, ayaw naming maging hindrance yung aming laro. Hintay-hintay lang ng kaunti, makakabalik rin yung mga key players,” paliwanag ni head coach Chito Victolero.

Maagang rumatsada ang Magnolia sa first period ng kunin ang 11-0 sa 4:40, hanggang sa magtapos ito sa 24-11. Lalo pa itong pinalaki ng Magnolia sa second quarter ng ibuhos ang 21-pt lead sa 40-19 sa tres ni Barroca na tinapos ang first half sa 44-27.


Pinalobo pa ng Magnolia Hotshots ang kalamangan sa 27 puntos sa 54-27 sa 8:46 ng third period mula sa tres ni Dionisio patungo sa 63-43 sa pagpasok ng fourth quarter. Mga laro ngayong araw (Biyernes) (Mall of Asia Arena – Pasay City)3:00 n.h. – Terrafirma Dyip vs Blackwater Bossing;6:00 n.g. – NLEX Road Warriors vs Meralco Bolts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page