top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Time For Glory, nagpabilib sa PHILRACOM PSA Cup

BULGAR
Jun 26, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 26, 2022


Humanga ang mga karerista kay Time For Glory nang manalo ito sa 2022 PHILRACOM Philippine Sportswriters Association, (PSA) Cup noong Linggo na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Dehado sa bentahan si Time For Glory na sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, nagtala ito ng tiyempong 1:39.4 minuto sa 1,600 meter race upang sungkitin ang premyong P300,000.


Nasa pang-apat na puwesto si Time For Glory nang magtagisan ng bilis sa unahan sina Super Ninja at Shastaloo habang pangatlo si Darleb.


Sa kalagitnaan ng bakbakan, unti-unting pinapausad ni Zarate si Time For Glory kaya naman papasok pa lang ng huling kurbada ay nakuha na ng winning horse ang unahan.

Lamang ng anim na kabayo si Time For Glory sa rektahan kaya walang kahirap-hirap itong nagwagi, tinawid nito ang meta ng may walong kabayong distansiya sa nasegundong si Shastaloo. "Sa ipinakitang husay ni Time For Glory, kaya nitong manalo sa mas malaking karera basta ihanda lang siya ng husto," saad ni Gilbert Santiago, tagahanga ni Time For Glory.


Nakopo ni Shastaloo ang P112,500 habang ang third placer na si Super Ninja ay nagbulsa ng P62,500 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, 11 karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya tiyak na masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Isa sa aabangan ng mga karerista ay ang banatan ng 10 kalahok kasama ang couple entries sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pang-limang karera.


Ang mga magtatagisan ng bilis ay sina My Sharona, Pride Of Lubao, Lucky Choice, Cupid Bell, Start With Hope, Laktod, Black Mole White, Bratley, Shining Bullet at Express Lane.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Security Supreme, (5), Bebang (3), Happy Maggie (7)

Race 2 - Jawo/Easy Landing (2/2), It's A Deal (6), Noh Sen Young Yana (1)

Race 3 - Dollarama (6), Et Tu Brute (2), Quincy (8)

Race 4 - Bonifacio (7), Bigmouthbernie (5), Asik Asik Falls (1)

Race 5 - Cupid Bell (3), My Sharona (1), Laktod (5)

Race 6 - Caraga Wonder (4), Cinderella King (7), Illuminance (1)

Race 7 - Bishop Blue (6), I'll Be There (11), Speak Easy (5)

Race 8 - Top Attraction (2), Eyeshot (5)

Race 9 - Under Pressure (1), Joyous Solution (2), Namaskar (5)

Race 10 - Hannah Rosa (2), Manlot Island (4)

Race 11 - This Time, (4) My Dear Magnolia (6), Adarna (2).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page