Tiktok creators, nagsampa ng kaso laban sa US ban
- BULGAR

- May 15, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 15, 2024

Nagsampa ng kaso ang grupo ng mga TikTok creators sa pederal court ng U.S. upang harangin ang isang batas na pinirmahan ni Pangulong Joe Biden na nagbabawal sa paggamit ng app.
Kabilang sa mga nagkaso ay isang beteranong Marine Corps mula Texas na nagbebenta ng mga produkto ng kanyang rancho, isang babae mula Tennessee na nagbebenta ng cookies at gumagawa ng content tungkol sa pag-aalaga ng anak, isang college coach mula North Dakota na gumagawa ng mga videos tungkol sa sports commentary, at isang bagong graduate na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga biktima ng sexual assault.
"Although they come from different places, professions, walks of life, and political persuasions, they are united in their view that TikTok provides them a unique and irreplaceable means to express themselves and form community," saad sa lawsuit.
Ang kaso ay naglalaman na ang pinirmahang batas ay banta sa freedom of speech ng mga mamamayan at umaapak sa paraan ng mga Amerikano ng mas discrete na komunikasyon.ipinalit sa hit show na Gimik.








Comments