Tikiman nila, kumalat, pinagpiyestahan… IAN, AMINADONG NAG-ENJOY, HEAVEN NASARAPAN
ni Janiz Navida - @Showbiz Special | December 14, 2022

Natawa si Heaven Peralejo nang tanungin namin after ng Q&A sa presscon ng MMFF movie nila ni Ian Veneracion titled Nanahimik ang Gabi kung natahimik ba ang gabi niya pagkatapos ng love scenes nila ng guwapo pa ring aktor.
"Umingay ho. Wala na akong masyadong marinig sa sobrang ingay," natatawang sagot ni Heaven.
Nag-viral nga kasi sa social media ang ilang romantic love scenes nila ni Ian sa movie kung saan nakakandong ang young actress sa aktor.
Ang dami raw nainggit kay Heaven at gusto siyang sabunutan dahil may kissing scenes pa sila ni Ian. Eh, in fairness kay Ian, at his age na 47, ang dami pa rin talagang nagpapantasya sa tisoy na aktor.
Sa kabila nito, grateful daw si Heaven na umingay ang pelikula nila para mas maraming manood. 'Yun naman daw talaga ang goal nila, kahit hindi sobrang sexy ang film, magkaroon ng interes ang mga tao para bumalik sa mga sinehan sa December at panoorin ang lahat ng MMFF entries.

When asked kung masarap bang humalik si Ian, sagot ni Heaven, "I think yes, okay siya," nahihiyang sagot ng young actress na first time ngang magbibida sa MMFF entry ng Rein Entertainment.
Napailing na nangingiti naman si Ian nu'ng siya ang tinanong namin kung natahimik ba ang gabi niya after ng love scene nila ni Heaven.
Katwiran niya, he's just doing the role at mas gusto niyang makilala bilang "aktor" kesa bilang "celebrity" lang dahil ayaw niyang makulong sa isang karakter lang.
Sa birong tanong namin kung nag-enjoy din ba siya sa mga 'kaganapan' sa kanila ni Heaven sa Nanahimik ang Gabi at kung 'heaven' din ba ang feeling, ang tamis ng ngiti ng aktor sabay sabing, "Sobrang sarap katrabaho ni Heaven."
Pero bawi niya, "When we were shooting, kahit maglambing or holding hands pa kami or something, wala, eh, 'di ako 'yun, eh, si Chief 'yun (karakter niya sa movie), saka siya, si Me-anne (Heaven), in character."
Nakakatuwa na pareho ang goal nina Ian at Heaven, tinanggap nila ang Nanahimik ang Gabi dahil sa magandang story at naniniwala silang kakaibang pelikula ito para muling mahatak ang mga manonood na bumalik sa panonood ng sine.
Kasama rin nila ang magaling na aktor na si Mon Confiado sa MMFF entry ng Rein Entertainment at malaki rin ang role ng character actor na dapat panoorin ng manonood.
Mula sa direksiyon ni Direk Shugo Praico, palabas na ang movie sa Dec. 25 at isa sa mga official entries sa MMFF 2022.





Comments