top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tiket sa All-Star Games, OA sa mahal… STAR MAGIC, TINAWAG NA "BUWAYA" NG NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2023
2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See |May 23, 2023


Walang nagawa ang Star Magic sa nag-trending na tawag sa kanilang "buwaya" ng mga netizens dahil sa sobrang mahal umano ng tickets para sa All-Star Games nila.


Dumagsa ang mga fans sa MOA Arena sa Pasay City noong Linggo nang gabi (May 21) at base sa nakita namin, halos napuno ang naturang venue.


Sa aming napagtanungang source mula sa TicketNet, nasa 80-90 percent ang capacity ng MOA Arena at tiyak na naabot nga nila ang target na dami ng audience.


Mukhang nag-enjoy talaga ang mga nanood kaya siguro nasabi ng ilan na super-sulit ang pagbili nila sa tickets kahit na "presyong buwaya" ito.


Nanalo sa badminton ang mga baguhang sina JM Yosures at Karen Bordador habang first runner-ups naman sina Darren Espanto at AC Bonifacio.


Samantala, sina Ashley Colet at Maxine Trinidad ang nagwagi sa intermediate level at ang kanilang mga runners-up naman ay sina Luke Alford at Gab Birkin. At sa competitive level, itinanghal na panalo ang duo nina Neil Coleta at Chico Alicaya.


Sa junior basketball, Star Magic Mixed-Rookies naman ang nanalo kontra sa Star Hunt Mixed-Rookies.


Kahit na-injure, itinanghal na MVP at nasa Mythical Team si Ashton Salvador kasama nina Tristan Ramirez, Elyson de Dios, Tan Roncal at River Joseph.


Tinilian din nang husto ang volleyball game between Lady Setters versus Lady Spikers kung saan nanalo ang huli.


Ang mga professional players na sina Aby Maraño at Rachel Daquis ang mga imports ng Setters, while sina Angelica Cayuna at Gretchel Soltones naman sa Spikers.


Itinanghal namang MVP (Most Valuable Player) at best hitter si Analain Salvador at nasa Mythical Six din siya kasama nina Erin Navarro, Gillian Vicencio (winner ng both best setter at receiver), Isabel Laohoo, Janah Zaplan at Mikha Lim.


Kumpara sa mga nakaraang games, talagang kinarir ng mga artistang players ang laro ngayon, ha! At nagawa pa nilang makipagsabayan sa mga professional players na kasama at kalaban nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page