top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tikas ni Robinhood, kinabiliban sa Malvar

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 11, 2022


Nakakapanood ng magandang karera ang mga karerista at sa ipinakitang husay, bumilib ang mga karerista sa ipinakitang tikas ni Robin Hood sa katatapos na 2022 PHILRACOM Chairman's Cup Division II na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas, Linggo nang hapon, ay napahanga nito ang mga ito.


Nirendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce, hindi nito inapura na iuna si Robin Hood sa largahan, pinabayaan nitong hawakan ni King Tiger ang unahan sa largahan. Pagsapit ng back stretch ay hawak ni King Tiger ang dalawang kabayong bentahe sa mga humahabol na sina Moment Of Truth, Robin Hood at Golden Sunrise.


Pero papalapit ng huling kurbada ay kinapitan na ni Robin Hood si King Tiger at pagdating ng rektahan ay kuha na ng winning horse ang unahan. Bahagyang nabigyan ng magandang laban si Robin Hood sa diretsuhan nang magbadyang lumampas nina Magtotobetsky at Hookbung Dagat.


Nanatili ang tikas ni Robin Hood at nasikwat nito ang P450,000 na premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.


Samantala, binati ni De Leon ang mga nagsipagwagi sa mga stakes races na nilarga noong nakaraan at inihayag din nitong muling makakasaksi ng magandang bakbakan ang mga karerista sa darating na Linggo.


"Congratulations to all the winners and their connections. Next week, the racing public will get to witness the emerging champions as the 2022 Triple Crown kicks off. We, in the industry, expect to see the bayang karerista's overwhelming support to this event as we at the Commission bring top-notch competition for their enjoyment," saad ni Leon.


Isa sa mga makikipagtagisan ng bilis sa Triple Crown ay si Gomezian na sasakyan ni class A jockey OP Cortez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page