top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tigilan na ang ‘trial and error’ sa pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 03, 2022



Tutol tayo sa biglaang pagtanggal ng pamahalaan ng quarantine requirements sa mga galing sa ibang bansa nang wala pa rin tayong komprehensibo at localized na surveillance system.


Nitong nakaraang linggo, idineklara ng IATF na hindi na ipatutupad ang “green-yellow-red list” system na ginagamit para tukuying ang COVID-19 risk level ng ibang bansa.


Sa halip, mula February 1 ay kailangan na lamang magpresinta ng negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 48-hours bago umalis mula sa kanilang country of origin ang mga fully-vaccinated travelers.


Hindi na nila kailangan pumasok sa mandatory facility-based quarantine, ngunit dapat mag-self-monitor para sa mga sintomas ng COVID-19 sa loob ng pitong araw.


☻☻☻


Ang tanong natin, hindi pa ba tayo natuto sa nangyari kay “Poblacion Girl”? Kung sa loob na nga ng facility ay nalulusutan na tayo, paano pa kapag hinayaan natin nang walang outside monitoring ang mga galing sa ibang bansa?


Hirap na hirap na nga tayo sa pag-control sa community transmission, bibitawan pa natin ang border control?


Nangangamba tayong dahil sa relaxed border control at sa karanasan ng ibang bansa na dumaranas din ng surge ay muli pang magkaroon ng mga bagong variant at sub-variant.


☻☻☻


Sinusukuan na ba tayo ng pamahalaan?


Parang pilit nating tinatalikuran ang mga aral na mapupulot sa huling dalawang taon na dinanas natin ang pandemya.


Malaki ang pinsala ng maling polisiya, hindi lamang sa ekonomiya, kundi sa mismong buhay natin.


Sana naman ay itigil na natin ang tila “trial and error” approach natin sa pandemyang ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page