Tigil-pasada sa Nov. 23 at 24

ni Mervin Reyes @News | November 22, 2026

Photo: File / TIgil-pasada - MANIBELA
Maglulunsad ng transport strike ang grupong Manibela sa Nobyembre 23 at 24 bilang protesta sa umano’y planong pagpapatalsik kay Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.
Nakatakda ring magsagawa ng kilos-protesta ang grupo sa harap ng LTO Central Office sa Lunes ng umaga.
Kinuwestiyon ng Manibela ang umano’y pagpapalit ng liderato sa LTO sa kabila ng mga reporma at pagpapabilis ng serbisyo sa ahensya.
Nanawagan si Manibela Chairman Mar Valbuena kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin si Lacanilao sa kanyang puwesto.
Wala pang opisyal na anunsyo hinggil sa posisyon ni Lacanilao sa LTO.





Comments