Tigil-pasada sa July 22, 23
- BULGAR

- 24 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 22, 2026

Photo: File / MANIBELA
Maglunsad ng transport strike ang grupong MANIBELA sa Hulyo 22 at 23 bilang protesta sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis, na maaari umanong palawigin hanggang Hulyo 24.
Nanawagan ang grupo sa Department of Energy (DOE) na papanagutin ang mga oil company sa umano'y walang batayang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
“Hindi na maaaring manahimik ang transport sector habang tila
pinababayaan tayo ng pamahalaan, partikular ng Department of Energy, ang sunud-sunod na oil price hike na nagpapalubog sa kabuhayan ng mga tsuper, ng mga mahihirap, at mga ordinaryong Pilipino,” ani MANIBELA Chairperson Mar Valbuena.





Comments