top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Tigil-pasada sa April 29- May 1

Writer:  BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 27, 2024




Inanunsiyo ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang kanilang nationwide strike na isasagawa mula Abril 29 hanggang Mayo 1 bilang protesta para sa Abril 30 na itinayang deadline ng franchise consolidation.


“Sa pagsasawalang-bahala ng rehimeng Marcos sa matagal nang panawagan ng mga tsuper at operator na ibasura ang sapilitang franchise consolidation, tahasang niyang nilalagay sa alanganin ang aming mga kabuhayan,” pahayag ni Piston Deputy Secretary General Ruben Baylon nitong Sabado.


“Pagsapit pa talaga ng Mayo Uno, kung kailan dapat ginugunita at binibigyang-halaga ng pamahalaan ang ambag ng mga manggagawa sa pagpapaunlad ng lipunan, tsaka mawawalan ng kabuhayan ang mga tsuper at operator at magdurusa ang milyon-milyon pang manggagawa sa paglala ng sistema ng transportasyon sa bansa,” dagdag niya.


Matatandaan noong Abril 15, na nagsagawa ang Piston, Manibela at iba pang mga transport group ng dalawang araw na tigil-pasada laban sa franchise consolidation deadline.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page