top of page
Search
  • BULGAR

Tigil-pasada, nagpahirap sa ilang mga pasahero

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 20, 2023




Nagsimula ang tatlong araw na pambansang tigil-pasada ngayong Lunes, Nobyembre 20, kung saan ilang ruta sa Metro Manila ang nagpapakita ng nabawasan na dami ng pampublikong sasakyan.


Sa Commonwealth Avenue sa Metro Manila, ilang pasahero ang nakakita ng kakulangan ng jeepney, lalo na ang mga pa-Cubao.


Ayon sa ilang mag-aaral, karaniwang nakakasakay sila sa jeep sa loob ng 5-10 minuto kumpara sa 30-40 minuto tuwing umaga ng rush hour.


“Mas mahirap po ngayon… Wala po ako mahanap na pwede masakyan sa Cubao Ali Mall, ngayon po konti po,” saad ng senior high student na si Analyn Barsolaso.


“Wag na lang po ang hirap kasi sumakay eh. Wala kang masakyan lalo na maraming sasakay,” dagdag niya.


Gayunpaman, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi malala ang epekto ng tigil-pasada sa transportasyon at normal ang daloy ng trapiko at ang bilang ng tao sa umaga tuwing oras ng rush hour.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page