top of page
BIDA - PACQUIAO, NAGPRAMIS NG TULONG SA MGA NILINDOL-IG _mannypacquiao.jpg
Search

ni BRT @News | April 27, 2026



Ayuda sa mga drivers - Department of Social Welfare and Development - DSWD


Umabot na sa mahigit P5.65 bilyon ang kabuuang halaga ng naipamahaging cash assistance sa mga jeepney driver.


Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na tiyaking maiparating sa bawat transport driver ang P5,000 cash ayuda.


Kaugnay nito, as of April 25, nasa 1,130,333 PUJ drivers na umano ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa mga payout na isinagawa nitong mga nakaraang araw nationwide.


 
 

ni Madel Moratillo @News | March 30, 2025



Jeepney drivers at LTFRB

Photo LTFRB



Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong na puwedeng ibigay sa mga drayber ng public utility vehicle (PUV) na apektado ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.


Sabi ni DOLE spokesperson Assistant Secretary Lennard Serrano, partikular na tinitingnan nila ang kanilang TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.


Isa itong 90 araw na cash-for-work program ng DOLE sa mga nawalan ng trabaho dahil sa kalamidad o nangyayaring energy emergency.


Ang mga PUV driver aniya ang isa sa pinakaapektado ng napakataas na presyo ng produktong petrolyo.


“Mahalaga ang mga driver especially ngayon. Pero nakikita rin natin na sila talaga ang one of the most affected dahil sa pagtaas ng presyo ng langis kaya tinitingnan natin, anong assistance ang maibibigay through the TUPAD program,” pahayag ni Serrano sa panayam sa radyo.


Nakikipagpulong na aniya sila sa mga ahensya ng gobyerno kung ano ang puwedeng itulong ng kanilang TUPAD program.


Aminado ang opisyal na hindi tatagal ang limanv libong pisong fuel subsidy na ibinigay ng gobyerno sa PUV drivers.


“Tinitingnan natin kung sino pa ang puwedeng makasama rito... Tinitingnan din natin--mga tricycle driver. Maaari pa ba silang makapasok, maging beneficiary sa ating programa?” pahayag pa ni Serrano sa panayam sa radyo.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 20, 2023




Nagsimula ang tatlong araw na pambansang tigil-pasada ngayong Lunes, Nobyembre 20, kung saan ilang ruta sa Metro Manila ang nagpapakita ng nabawasan na dami ng pampublikong sasakyan.


Sa Commonwealth Avenue sa Metro Manila, ilang pasahero ang nakakita ng kakulangan ng jeepney, lalo na ang mga pa-Cubao.


Ayon sa ilang mag-aaral, karaniwang nakakasakay sila sa jeep sa loob ng 5-10 minuto kumpara sa 30-40 minuto tuwing umaga ng rush hour.


“Mas mahirap po ngayon… Wala po ako mahanap na pwede masakyan sa Cubao Ali Mall, ngayon po konti po,” saad ng senior high student na si Analyn Barsolaso.


“Wag na lang po ang hirap kasi sumakay eh. Wala kang masakyan lalo na maraming sasakay,” dagdag niya.


Gayunpaman, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi malala ang epekto ng tigil-pasada sa transportasyon at normal ang daloy ng trapiko at ang bilang ng tao sa umaga tuwing oras ng rush hour.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page