top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tigil-pasada, matapos sana nang walang gulo at pang-aabuso

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2023
1 min read

@Editorial | March 7, 2023



Kasabay ng inilargang tigil-pasada, kani-kanyang diskarte ang mga komyuter kung paano makakapasok sa trabaho at todo-alalay din ang mga awtoridad para sa libreng sakay.


Kaugnay nito, tiniyak naman ng mga ride haling app na hindi sila magtataas ng singil. Sa halip, gagawin pa umano ang kanilang makakakaya para maisakay ang mga maaapektuhang pasahero.


Nanawagan pa sa mga pasahero na agad isumbong sakaling mayroong mapang-abusong driver.


Kapag ‘di maayos ang sistema, bukod sa pasensya at sakripisyo, pagtutulungan ang kailangan.


Gawan natin ng paraan na gumaan ang sitwasyon kahit paano. Gamitin natin itong pagkakataon para maging makatao at hindi para maging abusado.


Unawain natin ang nangyayari at iwasan na makadagdag pa sa problema. Sa huli, tayo rin naman ang maaapektuhan kung ito ba ay magiging mas kumplikado o matatapos din nang maayos.


Umaasa tayo na mangingibabaw ang pagkakaunawaan sa pagitan ng gobyerno at mga transport group. Sana'y mapag-usapang maigi ang usapin sa phaseout sa mga tradisyunal na jeepney.


Hindi pa tayo tuluyang nakakabawi mula sa pandemya, huwag naman sana tayong matengga sa mg isyu na puwede namang mapag-usapn at masolb agad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page