top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Tigil karera muna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 12, 2022
  • 2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 12, 2022



Malungkot na naman ang mga karerista matapos malaman na tigil pansamantala muli ang bakbakan sa karerahan.

Naglabas ng pahayag ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) kahapon sa kanilang facebook page na hindi muna magkakaroon ng karera ngayong buong Linggo.

Agad umaksyon ang PHILRACOM sa panawagan ng gobyerno na mag-ingat sa mapaminsalang coronavirus (COVID-19).

Kaya walang karerang inihanda simula ngayong araw hanggang Enero 16 ang eksaktong petsa na walang karera.


"In light of the recent increase in COVID cases, and to support the government's efforts in mitigating the further spread of the COVID-19, the Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) has decided to cancel the scheduled races for 12-16 January 2022." nakasaad sa statement ng PHILRACOM na inilabas sa social media.

Nais din ng PHILRACOM na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga karerista, hinete, trainers at ibang nagta-trabaho sa karerahan. "Good job!, tama lang ang ginawa nila, unahin ang kaligtasan ng lahat tutal ang karera kahit anong oras puwede ibalik 'yan, ang importante ngayon ay sumunod sa mga sasabihin ng gobyerno dahil para sa kaligtasan natin ito," sabi ni Gelo Gonzales, karerista.

Nakasulat pa sa anunsyo ng PHILRACOM sa pamumuno ni chairman Reli De Leon, na maglalabas sila ng detalye kung kailan ulit ang operation sa karerahan.

"The PHILRACOM will continue to monitor Government issuances on the current COVID-19 situation and shall issue the official notice on the resumption of races as soon as posible." - PHILRACOM.

Abangers muna ang mga karerista sa susunod na anunsiyo ng PHILRACOM, sa ngayon pinag-aaralan pa kung ano ang dapat na gawin upang makabalik agad ang karera.

Naghayag ang mga karerista ng komento sa facebook page ng PHILRACOM na kailangan ma-swab test ang mga hinete bago sumakay upang maiwasan ang pagkakahawaan sa loob ng karerahan.+

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page