top of page

Tig-P10 M daw dapat bawat Pinoy… GARDO: P500 NOCHE BUENA, MAHIYA NAMAN KAYO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 minutes ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 1, 2025



TALKIES - GARDO_ P500 NOCHE BUENA, MAHIYA NAMAN KAYO!_FB Gardo _Cupcake_ Versoza

Photo: File / FB Gardo _Cupcake_ Versoza



Bonggang-bongga ang reaksiyon ng madlang people sa nag-viral na sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque kaugnay sa kinakailangang budget ng mga Pilipino para sa Noche Buena.


Sa isang panayam, nasabi ni Sec. Roque na, “Kung tutuusin, sa P500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa na rin ng spaghetti. Depende rin po ‘yan kung ilan ‘yung tao na kakain. Depende rin ‘yan kung ano ang gusto mong ihain. So, it all depends on the budget.”


Sa social media post ng ilang artista, nagpahayag sila ng kanilang saloobin tungkol sa P500 na pang-Noche Buena.


Saad ng aktor na si Gardo Versoza sa Facebook (FB) post niya, “Wow! Bilyun-bilyon nga, ‘di pa kayo magkamayaw, bakit ‘di n’yo man lang bigyan ng magandang Pasko ang bawat Pilipino kung totoong may malasakit kayo sa taong bayan. Kahit sa tig-P10 milyon sa bawat Pilipino kung may populasyon tayo ng 200 milyon katao, napakalaki pa ng sukli ninyo. Aba, mahiya naman kayo sa sinasabi n’yong P500 na pang-Noche Buena.”


Saad ng TV host na si Susan Enriquez sa post niya, “Ang ibig lang sabihin na kasya ang P500 na pang-Noche Buena para sa apat na miyembro ng pamilya—magpasalamat at may maihahanda pa sa Noche Buena. ‘Yun lang naman ‘yun.”


Saad ng aktres na si Aiko Melendez sa post niya, “P500 Noche Buena package? Saan po makakabili n’yan? ‘Wag n’yo pong insultuhin ang mga Pilipino. Naku po! Queso de Bola? Holen size po ba ito?”


Hirit naman ng Unkabogable Box Office Superstar na si Vice Ganda, “‘Yung P500, puwede na raw na pang-Noche Buena. Eh, di kayo na! Akala mo naman talaga, s’ya nagpa-P500. Talaga itong mga ito, oh!


“Sige, okey, so ngayon, sisiguraduhin natin na ang mananalo rito ay hindi P500 ang pang-Noche Buena. Pipilitin natin na may isa man lang na kababayan natin na hindi P500 ang pang-Noche Buena.


“Because we believe that the Filipino people deserve more!”

Well, sad to say, mahirap maging mahirap. Pak na pak, as in wapak at tumpak!



TRENDING at labis na kinabiliban ng mga netizens ang mga pasabog na performances nina Alexa Ilacad at Jason Dy sa kanilang pag-transform bilang si Britney Spears sa Your Face Sounds Familiar Season 4 (YFSFS4).


Sa nangyaring Battle of One Icon, umani ng standing ovation ang performance ni Alexa ng I’m A Slave 4 U matapos niyang kumanta habang may malaking ahas na nakasabit sa kanyang balikat. 


Hindi rin naman nagpakabog si Jason Dy at ipinamalas ang galing sa pagkanta at paggaya sa kanyang bersiyon ng Toxic.


Sa huli, nanguna si Alexa sa leaderboard at itinanghal bilang Week 4 winner habang pumangalawa naman si Jason. 


Sa ngayon, umabot na sa milyon views ang performances nina Alexa at Jason sa iba’t ibang social media platform.


Bukod sa performances nina Alexa at Jason, nagdala naman ng good vibes at major throwback feels ang guest performer at Tawag ng Tanghalan (TNT) champion na si Marko Rudio bilang si Yoyoy Villame.


Para sa Week 5 transformations, abangan sina Dia Mate bilang Michelle Dee, Rufa Mae Quinto bilang Jessi, Akira bilang Tom Jones, JM dela Cerna at Marielle Montellano bilang sina Cynthia Erivo at Ariana Grande, Jarlo Base bilang Chris Martin, Jason bilang Martin Nievera, at Alexa bilang Zsa Zsa Padilla.


Huwag palampasin ang kamangha-manghang transformations sa YFSFS4 tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWant.



NAGLULUKSA ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez sa biglaang pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Trevor.


Kuwento ni Nikki sa post niya, “No pet parent can ever be ready for this kind of pain (heartbreak emoji)... 


“Last night, we lost our beloved senior, Trevor. It was so unexpected and sudden (sad emoji). 

“My boy, my strong boy Trevor... You were so little but had a lot of love and happiness to give. You were a fighter — survived an emergency surgery at 9 years old and continued to fight an enlarged heart since 2021. Up until your last breath, you tried so hard. I thank you for that. It pains me and all of us, especially your Nonna (wala na siyang roommate, babe), but we are grateful knowing you gave us so many happy memories to keep.


“Run free and rest now. Say hi to your bro, Travis, and have the best time in doggie heaven where there is no pain and you can finally have all the bananas, watermelon, and other treats that you love.


“We love you sooooo much, my litol (little) Lolo. Goodnight. Sleep tight.” 

Run free, Trevor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page