top of page

Misis ni Dingdong, binigyan ng chocolates... MARIAN AT PIA, BFF NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 44 minutes ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 1, 2025



BIDA - MARIAN AT PIA, BFF NA_IG _marianrivera

Photo: IG _marianrivera



Ikinatutuwa ng kani-kanyang supporters na tila magiging mabuting magkaibigan sina Marian Rivera at Pia Wurtzbach-Jauncey. 


Nagsimula ang pagiging friends ng dalawa nang madalas magkasabay sa mga events ng Bvlgari, launching at opening ng mga high-end shop at iba pang fashion events.


Nagkakakuwentuhan siguro ang dalawa at doon na nagsimula ang kanilang friendship. 

Nitong huli, niregaluhan ni Pia ng chocolates si Marian. Ipinost ni Marian ang gift ni Pia at sabi niya, “You are the sweetest, Pia! Thank you for the chocolate — love them all!”


Iba’t iba ang flavor ng chocolates at sa wrapper pa lang, alam mong masarap. 

Inaabangan ng mga fans ang iba pang interaction nila at wish nga nila, kahit hindi sa mga fashion events ay magkita ang dalawa.


And speaking of Marian, hindi siya ma-bash sa pag-a-unboxing ng bago niyang Hermes bag. Comment ng mga netizens, alam nilang pinagtrabahuhan nito ang ibinili sa hard to find bag. Alam din nila na sunud-sunod pa rin ang endorsements ni Marian Rivera kaya afford niya ang luxury bag.





Aktor, no show na rin...

BARBIE, AYAW NANG PAG-USAPAN SI JAMESON



SOLO na dumalo sa black carpet premiere ng KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie (KMJSGNLTM) si Barbie Forteza at solo rin siyang tumakbo sa AIA Rock ‘n’ Roll Manila 2025. Hindi niya kasama si Jameson Blake sa dalawang events na ikinagulat ng mga nakakita sa aktres dahil dati naman, kasama niya ang aktor sa mga premiere night at lalo na sa pagtakbo.


Sa interview ni Gorgy Rula kay Barbie sa premiere night, inanunsiyo nito na, “I’m single and very happy. Always happy.” 


Hindi na nito sinagot kung ano ang nangyari — binasted ba niya si Jameson, nanligaw ba talaga ang aktor, tumigil sa panliligaw, o tama ang mga fans na pang-promo lang ang sweetness nilang dalawa?


Remember na nakikita silang laging magka-holding hands at nagde-date. Ipinakilala pa nga ni Jameson si Barbie sa mom niya at sa iba niyang relatives nang dalhin sa bahay ng mom at lola niya.


Hindi na lang natin malalaman kung ano ang nangyari dahil sabi ni Barbie kay Gorgy, huwag na lang pag-usapan. Ang mangyayari nito, hindi na natin sila makikitang magkasama sa panonood ng sine at pagtakbo. 


Magkita man sa pagtakbo, hindi na siguro sila sweet at baka magdedmahan pa.

Sabi naman ng mga fans, okay din na wala si Jameson sa premiere night dahil nandoon si Jak Roberto, pero friends ang dalawa at aprub nga si Jak kay Jameson for Barbie. Para ngang ipinaubaya na niya ang aktres kay Jameson Blake.


Nalungkot ang BarSon fans nina Barbie at Jameson sa naudlot na relasyon ng dalawa. Wala na raw magpapakilig sa kanila at hindi na nila makikitang magkasama. 


Natuwa naman ang BarDa fans nina Barbie at David Licauco — wala na raw Jameson na umeeksena. 


Sagot ng fans ni Barbie, kahit naudlot ang BarSon, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na may non-showbiz girlfriend si David.





BUKAS, makikilala na ng media si Love Kryzl, ang bata at bagong recording artist dahil ilo-launch bukas ang new single niyang Kayong Dalawa Lang


Hindi pa man nailo-launch, naging controversial na ang new single ni Love Kryzl dahil ang music video ng single ay tampok ang engaged couple na sina Kiray Celis at Stephan Estopia.


Ang daming na-fake news at inakalang ikinasal na sina Kiray at Stephan, gayung sabi ng aktres sa mediacon ng Kiray Brands, this December pa ang kasal nila ng fiancé.

Later na nalamang music video shot for the said single ang sinabing kasal nina Kiray at Stephan.


Kinunan sa Las Casas sa Bagac, Bataan ang music video at aakalain talaga na kasal ng dalawa. 


Sa music video, makikitang sumasayaw si Love Kryzl at for sure, kinanta niya ang Kayong Dalawa Lang.


Marami pa tayong malalaman tungkol kay Love Kryzl after the launching. Isa sa sasagutin nito ang tanong na ano ang feeling na dahil sa kanya, marami ang na-fake news at inakalang kasal nina Kiray at Stephan ang nag-viral na wedding shoot nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page