Thunder namumuro na tungo sa finals, SGA bida
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | May 22, 2026

Photo: Hindi napigilan si Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City Thunder ni Stephon Castle ng San Antonio Spurs sa laban nilang ito sa West finals.
Laro ngayong Linggo - Rocket
8 AM NY vs. Cleveland
Lamang na sa serye, 2-1 ang World Champion Oklahoma City Thunder sa bisa ng 123-108 panalo sa San Antonio Spurs sa 2026 NBA Western Conference Finals kahapon sa Frost Bank Center. Humugot muli ng lakas ang OKC kay MVP Shai Gilgeous-Alexander at ilang mga sorpresa.
Ipinasok ng Spurs ang unang 15 puntos at inabot ng 4 na minuto bago nakasagot ang Thunder. Hindi sumuko ang OKC at unti-unting lumapit at gawing mahigpit ang laban pagsapit ng pangalawang quarter.
Walang puntos si SGA sa unang quarter subalit gumana ang kanyang opensa kung kailan kailangan. Nagpasok ng 2 free throw si Alex Caruso para basagin ang huling tabla, 47-45, at itinulak ni SGA ang koponan palayo, 58-51.
Hindi na nakaporma and Spurs at tuluyang lumobo sa 123-105 bago humirit ng tres ang Spurs sa huling 13 segundo. Sa last 2 minutes ay nagpasya ang mga koponan na paupuin na ang mga bituin at maghanda na para sa Game 4 sa Lunes.
Nagtapos si SGA na may 26 at 12 assist. Sumunod na may 24 ang bihirang gamitin Jared McCain, ang nagsabi na mayroon siyang lahing Filipino umano.
Hindi naglaro si Jalen Williams pero umangat sa halip si Jaylin Williams na nag-ambag ng 18 bilang reserba. Napilay ang hita ni Jalen sa kanilang 122-113 panalo sa Game 2.
Nanguna sa Spurs sina Victor Wembanyama na may 26 at Devin Vassell na may 20. Nagpasyang maglaro sina De'Aaron Fox at kabayan Dylan Harper kahit may iniindang pilay at nagsama para sa 21.
Samantala, pinarangalan sina Wemby at Chet Holmgren ng OKC bilang bahagi ng All-Defensive First Team kasama sina Ausar Thompson ng Detroit, Rudy Gobert ng Minnesota at Derrick White ng Boston. Binubuo ang Second Team nina Cason Wallace ng OKC, Scottie Barnes ng Toronto, Bam Adebayo ng Miami, OG Anunoby ng New York at Dyson Daniels ng Atlanta.





Comments