Thompson, Booker, Adebayo, Derozan at Jokic, matinik
ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 14, 2022

Inilabas ni Klay Thompson ang matalas na shooting sa 4th quarter upang pabagsakin ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers, 117-115, sa NBA kahapon sa Chase Center. Bumanat ng 33 puntos si Thompson na pinakamarami matapos mawala sa liga ng mahigit 2 taon dahil sa injury.
May pagkakataon ang Lakers subalit isa lang ang naipasok na tatlong free throw ni LeBron James sa huling 2 segundo. Pinatibay ng Phoenix Suns ang hawak na liderato nang manalo sa kulelat na Orlando Magic, 132-105. Uminit sa 26 puntos si Devin Booker at 17 puntos si Deandre Ayton habang nagtala ng 15 assist si Chris Paul at 10 puntos.
Depensa ang sumalba sa Miami Heat sa 115-111 na pagwagi sa Brooklyn Nets habang inukit ng Chicago Bulls ang 106-101 tagumpay sa OKC Thunder. Bumida sa Miami sa Bam Adebayo na may 19 puntos.
Sumandal ang Bulls sa dalawang free throw ni DeMar DeRozan na may 8 segundong nalalabi upang mapigil ang huling hirit ng Thunder. Halimaw sina DeRozan sa 8 puntos at Nikola Vucevic na sinuportahan siya sa 31 puntos at nanatiling isang laro lang ang naghihiwalay sa Heat at Bulls.
Hinila pababa ng Philadelphia 76ers ang Cleveland Cavaliers sa ikatlong puwesto, 103-93. Habang hinihintay si James Harden ay ginawa pa rin ng Joel Embiid ang 40 puntos, 14 rebound at 10 assist sa 32 minuto.
Sinupalpal ni MVP Nikola Jokic si OG Anunoby kasabay ng huling busina upang maitakas ng Denver Nuggets ang 110-109 panalo sa Toronto Raptors. Nagtapos si Jokic na may 28 puntos.
Binura ng Portland Trail Blazers ang 82-59 lamang ng New York Knicks sa 3rd quarter tungo sa 112-103 panalo. Bumanat para sa 10 ng kanyang 30 puntos si Anfernee Simons sa 4 quarter upang makumpleto ang paghabol ng Blazers.





Comments