top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Thompson at Abueva, agawan sa PBA 46th MVP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2022
  • 2 min read

ni GA - @Sports | May 8, 2022



Tiyak na mag-aagawan sa pagiging Most Valuable Player ng season 46th Philippine Basketball Association (PBA) sina Scottie Thompson ng Barangay Ginebra at Calvin Abueva ng Magnolia Hotshots.


Parehong nagwagi sina Thompson at Abueva ng Best Player of the Conference sa dalawang komperensiyang mayroon ang PBA ngayong taon. Nakamit ng 28-anyos na tubong Padada, Davao del Sur na si Thompson ang parangal sa katatapos lang na Governors' Cup na pinagtagumpayan ng kanyang koponan kontra Meralco Bolts sa bisa ng 4-2 serye. Nagwagi ang 34-anyos na mula sa Angeles City, Pampanga na si Abueva ng Philippine Cup award na tumapos ang koponan sa runner-up finish laban sa TNT Tropang Giga.


Gaganapin ang isang makulay at maningning na individual honors ng PBA Awards Night sa Hunyo 5 sa Smart Araneta Coliseum, bago ang pagbubukas ng bagong 47th season. Huling beses nasaksihan ang grand awards night noong Marso 8, 2020 nang tanggapin ni San Miguel big man June Mar Fajardo ang ika-6 na MVP plum sa Big Dome bago ang pagbubukas ng isang komperensiya ng 45th season.


“It was a great gathering in a great evening enjoyed by everybody, especially the fans. Mas masaya, kaya gusto natin ituloy ang experience na 'yon,” pahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial.


“For this one, it would also be a celebration of sorts dahil muli natin kasama ang mga fans sa opening ceremony pagkatapos na ma-miss natin sila sa panahon ng pandemya. Kasama tayo sa nagdadasal na sana magtuloy-tuloy na, at hindi na tayo magambala ng pandemya.”


Bukod kina Thompson at Abueva, inaasahan ding mapapabilang sa MVP contenders ang stats leaders ng mga nagdaang komperensiya tulad nina leading Rookie of the Year candidate Mikee Williams, Robert Bolick, Arwind Santos at Matthew Wright.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page