top of page

This is it, Tom! CARLA, IDINISPLEY NA MAY KA-DINNER DATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 20, 2025



Image: Carla Abellana - IG


Hindi tungkol sa reklamo ang post ni Carla Abellana na pinag-uusapan at ipinagre-react ng kanyang mga supporters. In fact, kinilig ang mga fans ng aktres sa naisip nila na baka may bago na siyang pag-ibig na kung totoo, deserve raw ni Carla.


Dahil ito sa Instagram (IG) post ng aktres na may ka-dinner date siya, kaya lang, chin lang ang ipinakita. Tila nagbabasa ng menu ang guy, pero parang after dinner na ang picture dahil glass of water, plate and knives na lang ang makikita sa harap ni Carla at sa harap ng guy, saucer na lang ang nakalagay.


Walang ibang caption si Carla kundi, “Hi,” at ‘yun na, kinilig na ang mga nakabasa. 

May nagtanong kung soft launch daw ba ‘yun na hindi niya sinagot. 


Marami ang pinusuan ang nasabing post na ibig sabihin, happy sila sakaling magkaroon na ng love life ang aktres.


Samantala, may gusto namang i-face reveal na ni Carla ang ka-date dahil excited na silang makita ang face ng guy. May nag-comment pa nga ng “I hope it’s not just a friendly or family date,” na ibig sabihin, gusto na nilang magka-love life ang aktres.


Marami rin ang nagpaabot ng congratulations kay Carla at ramdam ang tuwa ng mga nagko-comment at wish nila, dumating na ang right guy for the actress.

And speaking of Carla, balitang makakasama niya si Ashley Ortega sa bago niyang serye sa GMA-7 na Sister’s Game (SG) raw ang title. Wait tayo ng ibang details tungkol dito.



AFTER Paris Fashion Week (PFW) sa France, parehong nasa Singapore sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. Magkita kaya uli sila? 


Kaya lang, parang magkaibang event ang kanilang pinuntahan dahil nauna si Pia sa Singapore at para sa Bvlgari ang kanyang event.


Naka-tag naman sa post ni Heart announcing that she is in Singapore ang Directions Group Inc., baka event nila ang kanyang pinuntahan. 


Bago sa Singapore, dumaan muna sa Bangkok si Heart at sumakay pa nga siya sa Tuktuk na kinaaliwan ng kanyang mga supporters. Sana raw, sumakay din siya ng tricycle rito sa bansa kapag nandito siya.


Dahil parehong nasa Singapore, ang wish ng mga netizens, magkasabay sa eroplano sina Heart at Pia pabalik ng Manila at mas maganda raw kung magkalapit ang kanilang mga upuan. Baka raw may chance na magbatian sila at ang kani-kanyang team.


Speaking of Heart, kakaiba siyang mag-endorse ng Tiger Balm dahil sabi nga ng fan, parang ginawa nitong pang-skin care nang ipahid sa kanyang neck, noo at sa may sentido. Para kay Heart, gamot niya ito sa tension, tightness of muscles o pampa-relax. Kaya ayun, marami ang nakumbinse niyang bumili.


Aktres, ‘di raw binanggit nang manalo sila ng award… ALDEN AT KATHRYN, MALABO NANG MAGSAMA ULI SA MOVIE


WALA yatang ulan sa Bicol dahil nandoon si Alden Richards para sa BDO Fiesta Event ng Banco de Oro kung saan, isa siya sa mga ambassadors. Hindi na nga yata natulog ang aktor dahil the night before, present naman siya sa Vivo event na isa rin siya sa mga endorsers ng brand ng smartphone.


Hindi rin siya puwedeng magtagal sa Bicol dahil dadalo siya sa 8th EDDYS Award na naka-schedule today, July 20, 2025 at gagawin sa Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts.


Tatanggapin ni Alden ang Box Office Hero award kasama si Kathryn Bernardo para sa pelikula nilang Hello, Love, Again (HLA). Dahil nasa Australia pa si Kathryn for a vacation, si Alden lang ang tatanggap ng nasabing award.


Inaabangan ng kani-kanyang fans kung babanggitin ba ni Alden ang pangalan ni Kathryn at pasasalamatan. Nagkaisyu sa mga fans nang hindi banggitin ni Alden ang pangalan ni Kath nang tumanggap ng award for the said movie sa isa pang award-giving body.


Inakusahan si Alden na hindi marunong magpasalamat gayung binanggit nito at pinasalamatan ang lahat ng involved sa movie at hindi na inisa-isang pangalanan. Sabi rin ng mga fans ni Alden, kung binanggit nito ang pangalan ni Kathryn, aakusahan naman siyang manggagamit. Hindi na raw alam ni Alden kung saan siya lulugar.


Nakakalungkot na dahil sa pagkakagulo ng mga fans, tila malabo na (sa ngayon) na magsama uli sa pelikula sina Alden at Kathryn. Para siguro makaiwas na lang sa maraming isyu, hindi na lang nila gugustuhing muling magkatrabaho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page