This is it, Kyline… SINGER-MODEL NA SI RHAILA, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW NILA NI KOBE
- BULGAR

- May 17
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 17, 2025
Photo: Rhaila Tomakin at Koe Paras - Circulated, IG
Nilinaw ng singer-model na si Rhaila Tomakin - ang napapabalitang third party sa relasyong Kyline Alcantara at Kobe Paras - ang status nila ng basketball player.
Sa isang panayam, ani Rhaila, “To my knowledge, before Bali, they were already long broken up. That’s to my knowledge.”
Tinanong din siya if there’s a chance she’d entertain a romantic relationship with Kobe.
Sey niya, “I don’t think you should ever say no, like to anything. If it’s God’s will, then it’s God’s will. But for me, personally, I just wanna focus on my career, I’m about to start schooling, I’m very business-minded. I just want to delve into that world of working.”
Kinumpirma rin ng singer na sila ni Kobe are simply ‘just friends’.
Adding playfully, “Absolutely! I’m single! Single and ready to mingle!”
Ang kanyang statement ay agad na nag-viral.
Nagbabala si Jericho Rosales sa kanyang Instagram account tungkol sa isang FB account na gumagamit ng pangalan niya.
Sey niya sa poser, “We will look for you.”
Bukod kasi sa kanyang pangalan, pati picture ni Echo ay ginamit ng poser.
Ani Echo, “We don’t know who you are, but we know what you want. We do have a very particular set of skills we have acquired over a very long career. Skills that make us a nightmare for people like you.”
NATAWA si Paolo Contis sa death “treat” ng basher sa kanya dahil may kasama itong pag-aalala sa kanyang ina.
Ang ikinatawa pa ni Paolo ay mali ang spelling ng death “treat” ng basher na dapat ay ‘threat’. Naisip niyang i-delete ang post dahil nag-alala ang kanyang ina.
Pero hindi na niya itinuloy at hindi na rin siya nagtuloy sa legal action para hindi ma-stress ang kanyang pamilya.
Hindi na rin bago kay Paolo ang mga komento ng bashers sa social media, pero kamakailan ay may isang comment na kahit paano ay nagdala ng ngiti sa kanya.
Ibinahagi ng Kapuso actor sa social media ang death “treat” ng netizen.
Sa halip na maapektuhan, natawa si Paolo sa mensaheng, “Paolo Contis mamatay ka na (death treat para sa ‘yo).”
Pabirong sagot niya, “Sana tama ang spelling para ma-THREAT ako!” kasabay ng ilang laughing emojis.










Comments