This is it!!! KIM, IBINUKING NA TODO-REGALO SA KANYA SI PAULO
- BULGAR

- May 23, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 23, 2024

Inamin nina Kim Chiu at Paulo Avelino na mas close na sila ngayon at nasa puntong nagbibigayan na ng gifts sa isa’t isa.
“Siguro, mga maliliit lang na bagay,” sey ng aktor sa recent media interview.
“Oo, binigyan n’ya ako ng gifts,” sagot naman ni Kim.
Kuwento ng aktres, “May notebook kasi ako na sinusulatan ko ng emotional journey ng character ko, tapos pinupuno ko s’ya, tapos, saka ko s’ya papalitan.”
Nakita raw ni Paulo na puno na ang kanyang notebook kaya sinabihan daw siya nito na bibilhan siya ng bago.
“Nakita n’ya ‘yung notebook ko, gamit ko pa ‘yun nu’ng Fit Check, Linlang, tapos umabot pa ng Secretary Kim, eh, puno na s’ya. Sabi n’ya, ‘‘Wag ka na bumili ng notebook, ako na bibili ng notebook sa susunod mong notebook.’ So binigyan n’ya ako ng apat na notebooks,” tsika ni Kim.
Paliwanag naman ni Paulo, “Hindi ko kasi alam kung ano’ng gusto n’ya. ‘Yung iba, may linya, ‘yung iba, wala, tapos nakita ko ‘yung notebook n’ya, wala palang linya.”
Sey naman ni Chinita Princess, hindi pa raw niya nagagamit ang mga notebooks na ibinigay ni Paulo.
Binigyan din ng aktor ang leading lady sa What’s Wrong with Secretary Kim ng chair para magamit sa taping.
“Tapos, bumili rin s’ya ng chair, taping chair, tapos ang comfy,” aniya.
Katwiran naman ni Paulo, “Kasi sira-sira na rin ang chair niya kasi parang maliit sa kanya, so sige, bigyan ko nga si Kim.”
As always, kinilig ang KimPau (Kim at Paulo) fans sa mga sinabi ng dalawa at komento nga ng isang netizen, “Such a sweet couple, very obvious even they both don't admit it in public.”





Comments