This is it, guys! SETH KAY FRANCINE: GAGAWIN KO ANG MAKAKAYA KO PARA MATUPAD ANG MGA PANGARAP NATIN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 29, 2026

Photo: IG _imsethfedelin
Ang sweet at punumpuno ng damdamin ang birthday greeting ni Seth Fedelin para sa kanyang ka-love team na si Francine Diaz.
Sa kanyang Instagram (IG) account, nagbahagi ang aktor ng carousel of photos and videos nila ni Chin (palayaw ni Francine), at sa caption ay mababasa ang kanyang madamdaming mensahe.
“Natatandaan ko lahat ng araw na nakita kong nabalot ka ng lungkot. Nakita ko kung paano ka masaktan, mga pangamba sa kung ano ang magiging bukas,” simula ni Seth.
“May mga araw rin na ‘di tayo nagkakasundo, mga araw ko na ‘di ako ayos. ‘Di mo kahit kailan man ipinagdamot ang komunikasyon at pakikipag-usap, pagkukuwento mo ng mga nararamdaman mo at pakikinig sa sinasabi ko,” patuloy niya.
Nagpahiwatig din ang binata na palagi pa rin siyang naririto sa tabi ni Francine sa mga darating na araw.
“Sa mga susunod pang araw, hayaan mong takpan ko ang tenga mo ‘pag ang hanap mo ay katahimikan, maging kaibigan mong makikinig sa bawat sasabihin mo,” aniya.
Nakakakilig pa ang mensahe ni Seth, “Proud ako, kami sa kung ano ang meron ka ngayon at alam kong mararating mo ang gusto mong puntahan. Marami pa tayong pagsasamahan. Gagawin ko ang kaya ko para matupad natin ang mga pangarap natin na lagi nating pinag-uusapan.”
Pagbati niya, “Happy birthday, Chin (Francine)!”
Needless to say, super-kilig ang mga FranSeth fans sa napaka-sweet na birthday message ng aktor kay Francine Diaz at sey nila, halatang mula sa puso ang mga sinabi ng aktor.
PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja na umeere sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at online, kung saan nakamit nito ang panibagong online viewership record kasabay ng pagbubukas ng bagong yugto na may mga bagong karakter.
Nagtala ang Roja last Tuesday (Enero 27) ng all-time high record na 620,186 peak concurrent online viewers o sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT), ang most-subscribed YT media and entertainment channel sa Southeast Asia.
Pasabog ang dala ng ‘Bagong Yugto’ trailer na inilabas ng ABS-CBN kamakailan, kung saan tampok ang mga buwis-buhay na pagsubok na kailangang lampasan nina Liam (Donny Pangilinan) at Olsen (Kyle Echarri). Nadagdagan pa ng alyansa ang mga hostage-takers at ngayon ay bihag ang kanilang mga biktima sa isang ospital.
Lalo pang iigting ang tensiyon sa pagpasok ng mga bagong karakter na ginagampanan nina Christian Vasquez, Iana Bernardez, Jeremiah Lisbo, Joel Molina, Mac Manicad, Miggy Campbell, at Paolo Serrano.
Kasingtindi rin ng sagupaan ang malupit na rebelasyon ni Greta (Lorna Tolentino) dahil malaki ang suspetsa niya na magkapatid sina Liam at Olsen.
Pinanghahawakan niya ang hinalang ito matapos matuklasan ang pagiging kabit ng BFF niyang si Wendy (Janice De Belen) ng asawa niyang si Magnus (Raymond Bagatsing).
Dapat abangan sa mga susunod na episodes kung paano muling malalagay sa peligro ang inaakalang ligtas at payapang buhay nina Liam, Olsen, at Luna (Maymay Entrata) dahil sa kalbaryong dala ng mga hostage-takers at sa pagsindak ng mga ito sa awtoridad sa paglusob nila sa ospital kung saan kasalukuyang nananatili ang mga biktima ng La Playa Roja.
Aabot na rin sa sukdulan ang paghihiganti ng lider ng mga hostage-takers na si Emil (Joel Torre) dahil gagawin nito ang lahat para maibalik ang nawawalang milyones na datung na nakuha nila mula sa kanilang mga hostage.
Umeere ang Roja tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook (FB).
Napapanood din ang pinakabagong mga episodes ng serye 72 oras na mas maaga sa Netflix at 48 oras na mas maaga sa iWant.








Comments