Nag-live-in na, ‘di pa rin nagkatuluyan… KATE, MAY NATUKLASAN KAY FUMIYA, HIWALAY NA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 29, 2026

Photo: File / FB Kate Valdez
Marami ang labis na nanghihinayang sa love story ni Kate Valdez at ng kanyang Japanese vlogger boyfriend na si Fumiya Sankai.
Akala ng lahat ay sa kasalan na hahantong ang kanilang pagmamahalan. Naipakilala na ni Fumiya si Kate sa kanyang mga magulang sa Japan at tanggap siya ng pamilya ng binata.
Pero may mga pangyayaring nagpabago ng lahat. Base sa cryptic post ni Kate sa social media, tila wala na ang dati nilang matamis na pagmamahalan at winakasan na niya ang kanilang relasyon.
Isa sa mga post, “Actions reveal who a person truly is. Words only show who they pretend to be.”
Kaya labis na nagtataka ang mga fans ni Kate kung ano ang kanyang natuklasan na naging dahilan upang ma-turn-off siya sa dating nobyo.
Balita naman na nag-live-in pa raw sina Kate at Fumiya. May sikreto bang natuklasan si Kate sa pagkatao ng binata kaya siya tuluyang na-turn-off?
Well, isang bagay lang ang malinaw sa kanilang paghihiwalay. They are not meant for each other. Hindi sila ang itinakda para sa isa’t isa.
Para ‘di raw masaktan, Paulo…
KIM, PINAGHIHINAY-HINAY SA LALAKI
HINDI naging maganda para kay Kim Chiu ang taong 2025. Napakarami niyang problema at pagsubok na pinagdaanan.
Ang pinakamatindi ay ang pagkalugi niya nang milyones sa kanyang mga negosyo na humantong pa sa pagdedemanda niya sa kanyang Ate Lakam.
Mabigat sa loob ng aktres na kasuhan ang sariling kapatid, pero wala siyang choice dahil iyon ang tama.
Maging ang ilang ari-arian na naipundar niya ay naibenta rin nang hindi niya alam. Mabuti na lamang at marami ang dumamay at nagbigay ng moral support kay Kim sa panahong down na down siya.
Siyempre, hindi rin siya iniwan ng kanyang ka-love team na si Paulo Avelino. Sa aktor kumuha ng lakas ang Chinita Princess upang harapin ang mga pagsubok sa kanyang buhay.
Gayunman, may payo kay Kim Chiu ang ilang kilalang psychics. Kailangan daw na maghinay-hinay lang siya sa pagbibigay ng kanyang pagmamahal. Huwag daw itong itodo upang hindi siya masaktan.
Babala pa ng mga psychics na paghandaan ni Kim ang taong 2027 dahil hindi raw magiging maganda ang mga darating na pangyayari sa kanyang buhay.
Pero ayon sa kanila, maaari naman daw itong makontra kung gagawan ng ritwal.
KAHIT pareho na silang may sari-sariling relasyon ngayon, hindi pa rin nakakalimutan ni Heart Evangelista na minsan ay naging bahagi ng kanyang buhay si John Prats.
Si John ang kanyang first love at first kiss. At kahit hindi sila nagkatuluyan, mananatili ang magagandang alaala na kanilang pinagsamahan.
Hindi na naiilang si Heart sakaling magkita silang muli ni John ngayon.
Pero ang pinakaseryosong pag-ibig ni Heart noon ay si Jericho Rosales. Mas pinili niya noon si Echo kaysa sa kanyang pamilya. Nagawa pa niyang tiisin nang itakwil siya ng kanyang pamilya dahil sa pakikipagrelasyon sa aktor, pero nauwi rin ang lahat sa paghihiwalay.
Ibang chapter ng buhay ni Heart ang pagdating ni Sen. Chiz Escudero. Tinutulan din ito noong una ng pamilya ni Heart hanggang sa kalaunan ay natanggap din si Chiz.
Natagpuan ni Heart kay Sen. Escudero ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. Marami siyang natutunan sa senador, lalo na sa paghawak ng pera. Ang senador din ang kanyang nasasandalan at tagapagtanggol.








Comments