‘They don’t deserve him’: Sen. Robin, ‘di tatakbo sa 2028 elections — Mariel Padilla
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 30, 2026

Photo: IG / Mariel at Robin Padilla
Nagpasya na umano si Senator Robin Padilla na hindi na tumakbo para sa isa pang elective post sa 2028 elections, ayon sa asawa nito na si Mariel Padilla.
Ibinahagi ito ni Mariel sa panayam sa kanya sa ‘Julius Babao Unplugged’, kung saan tinanong siya tungkol sa mga political plan ng senador.
“Robin does not. Ayaw na niya,” ani Mariel.
Dagdag nito, kung minsan raw ay gusto nang magbitiw ng asawa dahil sa frustration nito sa mabagal na takbo ng trabaho sa gobyerno, ngunit patuloy lang aniyang iniisip ng senador ang mga taong bumoto sa kanya.
Binigyang-diin din ni Mariel na walang plano ang kanyang mister na tumakbo sa mas matataas na posisyon tulad ng bise presidente o presidente, ngunit maaaring magbago pa rin ang mga desisyon sa pulitika depende sa mga mangyayari.








Comments