Parang binago ang mode of impeachment… SP Sotto, susuportahan na ang Con-con
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 30, 2026

Photo: FB / Vicente TIto Sotto
Iginiit ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na susuportahan niya kung sakaling mayroong hakbang para amyendahan ang Konstitusyon matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, “Ako ayoko ng Con-con (Constitutional Convention), ayoko ng Constituent Assembly pero kapag ganyan ang usapan, eh payag na ako.”
Paliwanag pa niya, “Para nilang binago ‘yung mode ng pag-i-impeach. Mas mahirap, mas humirap na ngayon.”
Dagdag pa niya, “Yung option three na tinatawag nilang option two na one-third signatures lang forward na kaagad? Kaya nilagay ‘yan para sa isang official [o] impeachable officer na hindi ginagawa ang trabaho niya o merong maling ginagawa sa trabaho niya [na] nakakaperwisyo sa bansa—puwedeng madaling alisin. Hindi pwedeng magtagal. Kaya nilagay ‘yan doon.”
“Eh bakit natin pahihirapan ngayon katulad ng ginawa ngayon [na] humihirap na,” saad pa nito.








Comments