P264K marijuana, isinurender sa PDEA
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | January 30, 2026

Photo: PDEA CALABARZON
Nasa 2.2 kilo ng pinatuyong dahon at buto ng marijuana na nagkakahalaga ng nasa P264,000, pati na rin ang 554.4 gramo ng marijuana oil na P48,000, ang isinuko ng isang pribadong mamamayan sa PDEA Laguna Provincial Office nitong Miyerkules.
Ang turn-over ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan nito sa PDEA Regional Office 4A Investigation Section sa Barangay Sinalhan, Santa Rosa City, Laguna.
Ayon sa PDEA, ang mga isinukong bawal na substance ay isasailalim sa pagsusuri upang matukoy ang kalidad at aktwal na dami.
Pinapurihan ng PDEA Calabarzon ang kooperasyon at pagtitiwala ng mamamayan sa kanilang kampanya kontra-droga.
Hinimok din nila ang publiko na ipagbigay-alam ang katulad na insidente sa pamamagitan ng kanilang hotline o email.








Comments