top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Thermodynamics, wagi sa 3-yo Maiden Race

BULGAR
May 23, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 23, 2022


Nagsaya ang mga tagahanga ni Thermodynamics matapos nitong sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race noong Sabado ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Ipinakita ni Thermodynamics ang husay sa karerahan upang mas lalong bumilib ang mga kareristang nakataya sa kanya.


Ginabayan ni jockey PJA Guce, hindi nito minadali si Thermodynamics sa arangkadahan at hinayaang mauna ang matulin na si Laughing Inside na sikayan ni Esmael Nahilat.

Ipinuwesto ni Guce si Thermodynamics sa tersero katabi ni Autumn Shower habang nasa unahan at pangalawang puwesto sina Laughing Inside at Gee's Favorite ayon sa pagkakasunod.


Papalapit ng far turn ay kumukuha na ng unahan si Thermodynamics at pagsapit ng huling kurbada ay abante na ang winning horse ng tatlong kabayo sa mga katunggali.

Umuusok si Thermodynamics sa rektahan kaya mas lalo pa itong umunat kaya magaan nitong tinawid ang meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Inilista ni Thermodynamics ang tiyempong 1:31.6 sa 1,400 meter race sapat upang sungkitin ang added prize na P10,000.


Dumating na segundo si Autumn Shower, tersero si Gee's Favorite habang pumang-apat si Startsonfortyfive.


Hindi naman nagpadaig si The Accountant na nagwagi sa Condition Race Merged 10 na pinakawalan sa pang-anim na karera.


Sinakyan ni Conrad Henson, nakapagtala si The Accountant ng 1:28.6 tiyempo sa 1,400 meter race, dumating na segundo sa meta si Magnificent Lady na pinatungan ni jockey Pabs Cabalejo. "Napakahusay ni The Accountant, ang galing ng pagkakadala ni Conrad (Henson)," saad ni Jestoni Mancenilla, veteran karerista.


Pangatlo si My Prancealot habang pang-apat at pang-lima sina Golden Sunrise at Hookbung Dagat ayon sa pagkakasunod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page