top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

The Accountant, nanalo sa Turf III

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 1, 2023


Napanood ng mga karerista ang galing ni The Accountant matapos nitong manalo sa 2023 PHILRACOM "Chairman's Cup" Division III na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng hapon.


Humarurot sa arangkadahan si The Accountant para ungusan ang matulin na si Eazacky, makalipas ang unang 300 metro ng karera ay nahawakan ng una ang dalawang kabayong agwat sa huli.


Patuloy ang tikas sa unahan ni The Accountant pero nakaranas ito ng matinding bakbakan kina Landslide at Shining Vic pagsapit ng far turn.


Hindi naman nagpatinag sa unahan si The Accountant, kahit nakapitan ay nailayo ulit nito ang agwat sa rektahan.


Sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema, tinawid ng The Accountant ang meta ng may apat na kabayong bentahe sa pumangalawang Shining Vic.


Inilista ng The Accountant ang tiyempong 2:06.6 sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si LJ Aguila ang P300,000 premyo.


Nakopo ng Shining Vic ang P112,500 second place price habang tig-P62,500 at P25,000 ang third at fourth ang Magna Cum Laude at Tugatog ayon sa pagkakasunod.


Kinubra ng breeder ng winning horse ang P25,000 habang tig-P15,000 at P10,000 ang second at third. Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOm) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page