top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Thailand, pinatikim ng unang talo ang Filipinas sa AFF Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 14, 2022




Tumikim ng mapait na unang talo ang Pilipinas sa Thailand, 1-0, sa pagtatapos ng Grupo A ng 2022 ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship Martes ng gabi sa Rizal Memorial Stadium. Sa gitna ng hindi magandang resulta na pumutol sa apat na sunod-sunod na tagumpay, pasok pa rin ang Filipinas sa semifinals ngayong Biyernes.


Naitala ni forward Kanyanat Chetthabutr ang nagpapanalong goal sa ika-75 minuto.


Tumalbog ang bola sa gitna nina Dominique Randle at Carleigh Frilles at tiningnan lang nila ito kaya sumugod ang Thai upang ipasok ito gamit ang ulo at walang nagawa si goalkeeper Olivia McDaniel na maharang ito.


Nanghinayang si Coach Alen Stajcic at pinagbayaran ng koponan ang bihirang pagkakamali ng kanilang depensa. Maraming pagkakataon din ang dumating na maka-goal ang Filipinas subalit hindi nakisama ang bola.


Napilitan ipasok si Sarina Bolden sa huling 10 minuto upang mahanap ang pang-tablang goal subalit hindi ito dumating kahit tumaas ang enerhiya ng koponan. Ang orihinal na plano ay ipahinga sina Bolden at ilang kakampi bilang paghahanda sa semifinals.


Nagtapos ang Thailand sa taas ng Grupo A na may 13 puntos buhat sa apat na panalo at isang tabla at haharapin na ang magiging pangalawa sa Grupo B na tinatapos kagabi.


Pangalawa ang Filipinas na may 12 puntos mula sa apat na panalo at isang talo at hihintayin ang magiging numero uno sa Grupo B na maaaring maging defending champion Vietnam o Myanmar depende sa resulta ng kanilang tapatan kagabi sa Rizal Memorial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page