top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Teves: 2 high-rank gov't off'cls, gusto akong ipapatay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2023
  • 1 min read

ni Madel Moratillo | April 21, 2023




May 2 mataas na opisyal ng gobyerno umano ang gusto siyang ipapatay.


Ito ang inihayag ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr., kasabay ng patuloy na paggiit na may banta sa kanyang buhay.


Tumanggi naman si Teves na pangalanan ang mga nasabing opisyal dahil sa posibilidad na makasuhan siya ng libelo.


Batay aniya sa nakarating na impormasyon sa kanya, ang instruction ng nasabing opisyal ng gobyerno ay i-raid ang bahay ni Teves.


Ang pinakahuling instruction pa aniya ay barilin si Teves diretso sa kanyang bahay at palabasing nanlaban ito.


Ayon kay Teves, babalik lang siya sa bansa kapag nakita niyang patas na ang trato sa kanya.


Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page