ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | May 23, 2024
Patuloy na ipinaglalaban ng inyong lingkod ang pagkakaroon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training at certification para sa mga guro ng technical-vocational livelihood (TVL) sa senior high school.
Para sa kaalaman ng lahat, ang training at certification ng mga guro ng TVL ay bahagi ng pag-angat ng kalidad ng TVL training at kahandaan ng mga senior high school graduate sa trabaho. Sa ilalim ng 2024 national budget, nakatanggap ang Department of Education (DepEd) ng 50 milyong piso para sa training at certification ng mga senior high school teacher sa ilalim ng TVL track.
Bukod dito, makakatulong ang training at certification ng TVL teachers upang tiyaking akma sa mga pamantayan ng TESDA ang TVL track ng senior high school.
Kasabay ng pag-angat natin sa kalidad ng pagsasanay para sa mga senior high school learners, pati na sa kanilang kahandaang magtrabaho, isinusulong din natin ang angkop na training at certification para sa TVL teachers ng DepEd. Kaya naman iminungkahi ng inyong lingkod ang paglalaan ng pondo para mabigyan ang ating senior high school TVL teachers ng kaukulang pagsasanay mula sa TESDA.
Bilang mambabatas, umaasa tayo na makakatulong ang certification ng senior high school learners sa ilalim ng TVL track na makakuha ng dekalidad na mga trabaho. Batay sa pagsusuri ng ating tanggapan, 50 porsyento ng mga senior high school graduate sa ilalim ng TVL track ang may trabahong maituturing na elementary occupation kabilang ang mga tagalinis, domestic helpers, car at window washers, at street sweepers.
Bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education, isinulong ng inyong lingkod na mapondohan sa ilalim ng 2024 national budget ang libreng assessment at certification ng mga mag-aaral ng senior high school sa TVL track.
May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City
o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com
Comments