top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Terminal binomba, 9 na bus wasak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 1 min read

ni Madel Moratillo @News | September 11, 2023




Isang tawag ang natanggap ng kapulisan mula sa security guard ng isang bus terminal matapos hagisan ng granada sa Bgy. Bugaan East, Laurel, Batangas.


Base sa imbestigasyon, alas-3:30 ng madaling-araw, nagpapahinga ang guard na si Albert Serrani sa loob ng isang bus na nakaparada sa Magnificat Transport Terminal nang makarinig siya ng malakas na pagsabog mula sa kalapit ding bus na nakaparada sa lugar.


Agad siyang lumabas at laking gulat nito nang makitang wasak at basag ang mga bintana ng 9 na bus na nakaparada. Maswerteng walang namatay o nasaktan sa malakas na pagsabog.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog at motibo nito sa insidente.


Kinondena naman ng Pamahalaang Bayan ng Laurel, Batangas at pulisya ang insidente at nangakong mahuhuli ang salarin na bumalot ng takot sa mga residente.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page