Tennis Star Eala, pakay ang pagsabak sa Olympics at SEAG
- BULGAR
- Sep 18, 2022
- 2 min read
ni VA - @Sports | September 18, 2022

Mag-qualify at makapaglaro para sa bansa sa darating na 2024 Olympics sa Paris ang hangad ng bagong US Open juniors champion na si Alex Eala.
"If my ranking allows it, it's definitely one of my goals," pahayag ng 17-anyos na netter sa idinaos na online press conference kaugnay ng kanyang makasaysayang pagwawagi ng US Open girls title. "I talk a lot about representing the country and it's one of the biggest stages to do that. So definitely one of my goals."
Dahil sa kanyang naging tagumpay, umangat ng husto si Eala sa International Tennis Federation (ITF) world junior rankings.
Buhat sa ranggong 167th, umakyat ang Filipina tennis pride sa 132 baytang at ngayo'y nasa No.35th spot makaraang makatipon ng 1,106.75 puntos.
Sa kasalukuyan, bilang professional ay nasa No.297 siya sa WTA (World Tennis Association (WTA) rankings.
Nagpahayag din ito ng interes na makapaglaro sa Southeast Asian Games, kasunod ng kanyang bronze medal finish noong nakaraang Vietnam Games. "There hasn't been any talk yet about SEA Games so far... But I'm definitely open to join the SEA Games again. I think I have good chances of getting better results," wika ni Eala.
Samantala, nagpahayag din ng kanyang pasasalamat at kasiyahan ang scholar ng Rafael Nadal Academy sa Spain sa suportang kanyang nakuha at tinatamasa ngayon mula sa mga Filipino sports fans lalo na noong lumaban siya sa finals ng nakaraang US Open kung saan nagpuyat ang mga ito para mapanood ang kanyang US Open title conquest sa USTA Billie Jean King National Tennis Center.
"Definitely super surprised when you know that the Philippines is a basketball-volleyball dominated country," sabi pa ni Eala. "I think it's good that they are starting to appreciate other sports. It's important to give attention to all the athletes."








Comments