top of page

Eala vs. Venus Williams abangan sa ASB Classic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | January 5, 2026



Jerwin Ancajas

Photo: Isang alamat sa tennis ang makakatuos ni Alex Eala at matitikman niya ang mga hataw ng isang dating world no. 1 sa mga kamay ni Venus Williams sa doubles match sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand sa 2026 WTA season ngayong Lunes. 



Sakaling magtagumpay si Pinay tennis star Alexandra “Alex” Eala sa pakikipagharap kontra 2024 Paris Olympic silver medalist Donna Vekic ng Croatia ngayong araw sa pagsisimula ng aksyon sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand ay makakaharap nito ang magwawagi kina World No.77 Camila Osorio ng Colombia at World No.84 Petra Marcinko ng Croatia sa round-of-16. 


Habang panigurong masusubok ang katatagan nito kasama sa naturang bracket si four-time Olympic gold medalist, at dating World No.1 at 49th time WTA singles titlists Venus Williams na katapat si No.5 ranked at World No.54 Magda Linette ng Poland.


Makasasagupa ni Eala sa doubles showdown si dating world no. 1 at tennis legend Venus Williams. Katambal ni Eala si 2025 Guadalajara Open champion Iva Jovic, habang si Williams ay si former world no. 3 Elina Svitolina.


Masusubok sa unang salang sa bagong taon si Eala. Paunang salvo ang matutunghayan sa World No.53 sa 2026 Women’s Tennis Association (WTA) season na makakatapat agad ang 29-anyos na Croatian na may tangang apat na women’s singles title.


Masusubok agad ang 20-anyos na left-handed sa main draw ng 6 a.m. sa round-of-32 na umaasang makukuha ang unang titulo sa panibagong taon.


Bagaman mataas ang pwesto ni Eala pagdating sa rankings, hindi naman umano maitatanggi ang tangan na karanasan ng World No. 70 na Croatian tennis player na minsang nakamit ang World No.17 noong Enero 2025, para sa kanilang kauna-unahang pagtatapat sa professional game.


Bitbit ng 5-foot-9 Pinay tennis player ang malaking momentum sa pagbulsa ng kauna-unahang gintong medalya sa 33rd Southeast Asian Games nitong nakaraang Disyembre sa Bangkok, Thailand sa women’s singles event, kaantabay ang dalawang tansong medalya sa team at mixed doubles.


Kabilang din sa bracket sina World No.78 Alycia Parks ng US na katapat si World No. 83 Elisabetta Cocciaretto ng Italy, na ang magwawagi ang makakatapat ng Linette/Williams match.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page