top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Telcos, dedma sa kapalpaklan, dapat nang may masampolan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 10, 2020
  • 1 min read

@Editorial | December 10, 2020



Wala na namang internet! Problemado na naman ang mga kostumer ng mga telcos dahil sa palpak na serbisyo.


Kaliwa’t kanan ang mga reklamo sa social media pero, ang napapala ng mga kostumer ay autoreply. Kahit sa hotline ay parang dedma ang mga kumpanya.


Kamakailan lang nang balaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga telcos na dapat ayusin ang kanilang serbisyo pagsapit ng Disyembre kung ayaw maipasara ang kanilang kumpanya.


Ano’ng nangyari? Disyembre na at imbes na umayos ang internet parang lalong nagloko.

Perhuwisyo sa mga naka-online class, work-from-home at maging sa mga personal na gawain.


At ngayon, muling nagpaalala ang Malacañang sa National Telecommunications Commission (NTC) na tiyaking maayos ang serbisyo ng telekomunikasyon sa bansa.


Napag-alamang nasa ika-34 na puwesto mula sa 50 bansa sa Asya ang Pilipinas, kung serbisyo ng telekomunikasyon ang pag-uusapan. Napakalayo! Napakalala!


May sapat naman sigurong pondo ang gobyerno at lalo na ang mga pribadong kumpanya para maitawid nang maayos at makatarungan ang serbisyo sa publiko, pero ano’ng nangyayari?


Puro na lang pangako na hindi na raw papalpak, ‘yun pala mas lalong gagalingan sa kapalpakan?


Kung hindi na talaga magbabago itong mga pasaway na telcos, panahon na para ituloy ng gobyerno ang banta sa kanila — ipasara na!


Malinaw na wala silang kakayahan, walang malasakit at hindi karapat-dapat sa pagbibigay-serbisyo sa publiko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page