top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Team USA na lalaro sa 'Pinas kumpleto na para sa FIBA Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 4, 2023




Buo na ang Team USA para sa 2023 FIBA World Cup sa pagtalaga kay Josh Hart ng New York Knicks bilang ika-12 kasapi ng koponan. Dahil dito, wala na ang mga inaasahang malalaking pangalan na dadalo sa pinakamalaking torneo sa buong mundo.


Nauna nang ipinakilala ang mga All-Star na sina Anthony Edwards at Tyrese Haliburton, 2023 Defensive Player of the Year Jaren Jackson Jr., Jalen Brunson, Brandon Ingram, Walker Kessler, Bobby Portis, Austin Reaves, Cam Johnson at Mikal Bridges. Bago kay Hart ay isinama si 2023 Rookie of the Year Paolo Banchero matapos ang kontrobersyal na agawan ng Amerika at Italya para sa kanyang serbisyo.


Samantala, naglabas na rin ng listahan ang New Zealand na makakalaro ng Gilas Pilipinas sa Grupo A. Tampok sa Tall Blacks si Ethan Rusbatch na naglaro bilang import ng Converge FiberXers sa nakalipas na PBA Governors Cup.


Wala sa listahan ang 6’11” na si Steven Adams ng Memphis Grizzlies na may injury sa tuhod. Ang pagliban ni Adams ay dagdag sa lumalaking listahan, isang hamon para sa mga co-host Pilipinas, Japan at Indonesia kung paano aakitin ang publiko sa mga larong walang bituin.


Maliban kay Rusbatch, binubuo ang Tall Blacks na ang ilan ay players sa National Basketball League (NBL) at Australia NBL. Ito ay sina Taylor Britt, Walter Brown, Finn Delaney, Isaac Fotu, Hyrum Harris, Jordan Hunt, Shea Ili, Izayah Le’Afa, Sam Mennenga, Taine Murray, Jordan Ngatai, Kruz Perrot-Hunt, Reuben Te Rangi, Tohi Smith-Milner, Sam Timmins, Corey Webster at Yanni Wetzell.


Matatandaan na tinalo ng New Zealand ang Gilas ng dalawang beses sa Asian Qualifiers, 88-63 at 106-60, at nagtapos ng numero uno sa grupo sa kartadang 8-2. Sila lang ang nakawalis sa mga Pinoy at ang dalawang talo ay sa kamay ng Jordan at Lebanon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page