Team Philippines, pasok sa Top 10 ng World Lacrosse Women’s C'ships matapos tambakan ang Wales
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Info @Sports News | August 1, 2026

Photo: Nagkatuwaan ang Team Philippines nang talunin nila sa World Lacrosse Women's C'ships ang Wales, 12-4 para sa classification phase. Una nang nagdiwang ang Filipinas nang gapiin ang Czechia sa 11-5 bilang unang panalo sa torneo na idinaraos sa Tokyo, Japan. Nasa top 10 ang 'Pinas at makasasagupa sa susunod ang Argentina. (fbpix)
KASAYSAYAN SA TOKYO: NAGKATUWAAN at nagdiwang ang buong Team Philippines matapos irehistro ang isa na namang dominanteng tagumpay sa classification phase ng World Lacrosse Women's Championships na ginaganap ngayon sa Tokyo, Japan.
Walang kaawa-awang pinadapa ng mga Filipina lacrosse players ang powerhouse team ng Wales sa iskor na 12-4. Ang pambihirang ratsada na ito ay kasunod din ng kanilang makasaysayang unang panalo sa torneo kung saan ginapi naman nila ang Czechia, 11-5.
Dahil sa magkasunod na ratsada, opisyal nang pumasok ang Pilipinas sa prestihiyosong Top 10 ng kampeonato. Mas lalo pang iinit ang laban para sa bansa dahil ang susunod na makakasagupa ng nagbabagang koponan ng Filipinas ay ang matitikas na manlalaro mula sa Argentina.





Comments