top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Team Lakay Sangiao at Zamboanga, wagi sa ONE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2023
1 min read

ni Gerard Arce @Sports | April 23, 2023



Bumanat ng magkahiwalay na panalo ang mga Filipino mixed martial artists na sina Team Lakay bantamweight prospect Jhanlo “The Machine” Sangiao at women’s Atomweight contender Denice “The Menace” Zamboanga sa undercard matches ng ONE Fight Night 9, Sabado ng umaga sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.

Nagpamalas ng mababangis na patama ang anak ni Team Lakay head coach Mark Sangiao upang patumbahin ang katunggaling si Matias Farinelli ng Argentina patungo sa matagumpay na kneebar para mapwersang tumapik ito sa sakit sa 0:58 segundo sa unang round.

Dahil sa nakuhang impresibong panalo, nabiyayaan si Sangiao ng ikalawang sunod na performance bonus na nagkakahalaga ng $50,000 o mahigit sa P2.7 million, habang umangat ang winning streak nito sa 6-0 kartada.

“That was not in the game plan. I was supposed to strike with him but he got my back. I rolled, got his foot, trying to get the ankle [but] I got his knees, pulled it, and cracked,” pahayag ni Sangiao sa panayam ni ONE Championship host Mitch Stillson. “I just want to keep playing (fighting) and also thank you to ONE for building my future.”

Nakapuntos naman ng unanimous decision ang No.3 ranked na si Zamboanga matapos ang kumbinsidong panalo kontra kay Julie Mezabarba ng Brazil mula sa malulutong na patama sa mukha na nagbigay sa mga hurado upang paburan ang Pinay fighter.

Naging mabisa ang mga suntok na patama ni Zamboanga sa second round ng magawang mapagroge nito ang Brazilian fighter ng tamaan ng ilang jab at malulutong na suntok sa tatlong five-minute round.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page