Taylor Swift's 1989 re-recording, trending!
- BULGAR

- Oct 27, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | October 27, 2023

Sinurpresa ng sikat na singer at songwriter na si Taylor Swift ang kanyang fans at inilabas ang re-recording ng album na '1989' ngayong araw, Oktubre 27.
Ipinakilala ng singer ang album sa kanyang post sa Instagram kasama ng mga larawan at ng isang handwritten letter.
Sey nga ni Taylor sa letter, may parte ng sarili ang kanyang nabawi nu'ng nagsimula ang 2023 kasabay ng pagbawi niya sa parehas na album na inilabas nu'ng 2014.
Agad namang pina-trending ng fans ang '1989' at nagpakita ng kanilang suporta sa pamamagitan ng pag- stream at pagbibigay ng insights sa app na 'X' para mag-top 1 ang album at ang singer.








Comments